"Ano? pupunta ka nga ba talaga?" pangungulit nitong lalaking katabi ko
Napabuntong hininga nalang ako kasi kanina nya pa ko kinukulit eh.
"Oo nga sabi. Wala na kong magagawa naka Oo na ko" inis na sagot ko naman sa kanya sabay sagi
"Sigurado kana ba talaga? baka naman ngumawa ngawa ka don pag nasaksihan mo ang pag-iisang dibdib ng isang butike at palaka"
Napalingon naman ako sa kanya at natawa "Ako eden tigil tigilan mo ah. Magtrabaho kana nga" suway ko sa kanya
"Panget mo kaleah kalesa!" singhal naman nito tsaka bumalik sa ginagawa nya
Parang bata talaga.
"Excuse me rein may naghahanap sayo" bulong sakin ni ange katrabaho ko
"Sino?" takang tanong ko naman
Para naman syang tangang ngingiti ngiti tsaka itinuro yung lalaking nakaupo banda don sa bintana.
Napalingon naman ako at nakita ko dun si Ian na nakatanaw sa bintana
Tinanguan ko naman si ange at nagpaalamAgad ko namang pinuntahan si Ian sa pwesto nya at naupo sa harapan nya
"Oy ginagawa mo dito?" tanong ko ng makaupo ako
Ngumiti naman sya tsaka nagtanggal ng sunglasses nya.
Aba naman talaga si kuya mo. Pumuporma na!
Kaya naman pala madaming mga tangang nagbubulungan dito kanina sa loob."Pinapasabi ni Jo na hindi na muna daw sya uuwi mamayang gabi birthday daw kasi ng kapatid ng boyfriend nya" sabi nito
Napatango naman ako.
Pwede naman nyang itext sakin yon ah. Bat kailangan ipasabi nya pa kay Ian? Yung babaeng talagang yon hilig mamagod ng tao."Ikaw? san ka galing? Tsaka pano mo nalaman na dito ko nagttrabaho?" takang tanong ko
"Nagstart na ko ng trabaho kanina sa shop ni reid. sya nagturo sakin dito kasabay ko kasi sya kanina tas nauna na syang umuwi" paliwanag nito
Napatango naman ako
"Anong oras uwi mo?"
Tinignan ko naman yung wrist watch ko. 5:32pm
"6 pm uwi ko. Bakit?"
"Wala. antayin nalang kita dito" sabi nya naman
Tumango nalang ako at nagpaalam na tatapusin ko lang ang trabaho ko.
Pagkabalik ko sa pwesto ko agad akong inabangan ng mga babaeng ka work ko.
"Rein sino yun?"
"Ano name ?"
"May fb ba sya? Ano name nya sa fb? Iaadd ko!"
"Pakilala mo naman ako besh!"
Pangungulit sakin ng mga babaitang to.
Okay here we go again.
Kelan kaya ako titigilan ng mga babaeng palahabol at sabik sa pogi?
Bat ba lagi ako!!!"Hays! wag nga kayong magulo! bumalik na kayo sa trabaho mamaya makita tayo ni boss pagalitan na naman ako" reklamo ko at tinaboy sila
*Basta mamaya ah?! Pakilala mo ko!" hirit nitong si steph
Napairap nalang ako at bumalik na sa gawain ko
Ilang minuto ang lumipas di ko na namalayan na 6pm na pala.
Agad akong nag-ayos at nagpaalam sa kanila na mauuna na ko.Kita ko naman na tumayo na si Ian at sinalubong ako.
Nagsimangutan naman tong mga babaitang to kaya tinawanan ko nalang sila at lumabas na.
YOU ARE READING
Take Me To Your Paradise (COMPLETED)
RomantikIn a tale of love, redemption, and unlikely connections, Rein, a woman harboring wounds from past relationships, crosses paths with Ian, a homeless man in need of compassion and support. Moved by empathy, Rein and Ian's paths intertwine as she, alon...