"ATEEEEEEE!!!! GISING!!!!! DALIAN MO!!!! ANDYAN SI BUTIGHECKO SA BABA DALI!!!!" maingay na sigaw ni Renz sabay dagan sakin
Hayop naman talaga.
Kailangan talaga araw-araw may manggugulo sa buhay ko."ANG INGAY MO PUNYETA KA!!! BAT BA ANG HILIG NYONG MANG-ISTORBO NG TULOG?!" inis na sigaw ko sa kanya sabay bato ng malaki kong unan
"Yuck ate. Di ka ba naglalaba ng punda mo? Bat amoy laway? Kadir"' reklamo nito sabay hagis pabalik sakin ng unan ko
Agad naman akong bumangon tsaka inupper cut sya.
Napayuko naman sya at namilipit sa sakit.
"Aray atee!! Susumbong nga kita kay mama kala mo ah!!"
"Sumbong ka. Susumbong din kita na palagi kayong umiinom." rebat ko naman
Napanguso nalang sya tsaka ko inirapan
Attitude din tong tubol na to eh.
"Bat ka ba nanggigising?! Sinong nasa baba?" tanong ko sabay balik sa kama ko para tupiin ang kumot ko
"Si lizard boy nasa baba. Ang aga aga ngang pumunta eh, Kasama yung jowa nya" sabi naman ni renz sabay upo sa kama ko
Ano naman kayang kailangan ng gago na yon ?
Di nya ba ko titigilan ah?
Pano ko makakalimut kung lagi ko syang makikita?
Tinigilan ko na nga kakastalk sa kanya eh para makalimot na eh, Kaso sya tong pakita ng pakita."Anong kailangan na naman ng tarantado na yan?" inis na tanong ko tsaka nagtungo sa banyo para maligo
"Ewan ko ba don. Aga aga panira ng araw yung pagmumukha" rinig kong sabi naman ni gago galing sa labas
Hindi nalang ako sumagot at nagpatuloy nalang sa pagligo
"Wag mo na tagalan maligo. Mabaho ka pa din naman, tsaka di na babalik sayo yon wag kana dyan" rinig kong sabi muli ni renz
"Tarantado ka! Pakialam ko pa ba don" singhal ko sa kanya habang nagsasabon "Tsaka anong mabaho? Gago! Araw araw akong naliligo no. tulad mo naman ako kay mark"
"Dalian mo nga ang tagal mo! Bababa na ko" paalam nito tsaka lumabas
Napairap naman ako at nag-isip isip.
Hays bat ba ganto. Araw araw naman pahirap ng pahirap eh."Ano ba naman kasi rein ah? Masyado kang maganda para magpatalo! Eh ano naman kung nandyan sy-- i mean sila pala! Ano naman? Sisiw na yan sa lahat ng heartbreak na pinagdaanan mo eh. ngayon ka pa ba papatalo? Naalala mo noon si Shan? yung jowa mong nakabuntis tas iniwan ka. Sisiw lang sayo yan pati si Jem oh diba? Pinagpalit ka sa malaki suso. Tas ngayong naging rebound ka lang magpapatalo ka? Ha! Wala sa lahi ng HERNANDEZ ang magpatalo!! TAMA! STRONG KAYA ANG ISANG KAHLEA REIN HERNANDEZ" pag ccheer ko sa sarili ko
Tama strong ako. Bat naman ako papatalo psh.
Agad na akong lumabas ng banyo pagkatapos kong maligo.
Dinalian ko nalang din sa pag bibihis
Sinuot ko yung black sando ko na medyo fitted tsaka short na maikli.
Ayoko na magkalkal pa sa cabinet ko.Tumingin muna ako sa wall clock dito sa kwarto ko "10am palang naman pala" bulong ko sa sarili ko
1 pa naman ang pasok ko kaya may ilang oras pa naman ako.
Habang pababa ako ng hagdan dinig ko na agad ang kwentuhan na nanggagaling sa kusina
"Talaga pre? Wow. congrats" rinig kong sabi ni Reid
Agad naman na akong nagtungo don
Pansin ko namang nakatingin silang lahat sakin pero hindi na ako nagreact at deretso ako sa sink para maghugas ng kamay.
May nahawakan kasi akong alikabok don banda sa may hagdan kanina.
YOU ARE READING
Take Me To Your Paradise (COMPLETED)
RomanceIn a tale of love, redemption, and unlikely connections, Rein, a woman harboring wounds from past relationships, crosses paths with Ian, a homeless man in need of compassion and support. Moved by empathy, Rein and Ian's paths intertwine as she, alon...