CHAPTER 32

20 2 0
                                    


  "Ano ba yun?!" iritang tanong ko kay rein na kasalukuyang nakaupo ngayon sa sofa at kumakain ng mangga habang sinasawsaw nya sa chocolate

Weirdo.

  "Ako wag mo kong pagtataasan ng boses baka ibato ko sayo to" banta nito sakin tsaka pinakita yung base sa tabi nya kaya medyo napaayos ako ng upo

Sa ilang months kong pagpunta punta dito talagang minsan nakakatakot si Rein eh

Pansin kong natawa naman si Ian kaya pinandilatan ko sya

  "Ano ba kasi yun? Bat mo ba ko pinapunta dito? At alam mo ba kung anong oras na ah? Alas dos na at kasalukuyan akong natutulog" inis na sabi ko

Pano ba naman tatawag alanganing oras tas gusto pupunta ka talaga kasi pag hindi iiyak sya

  "Nagrereklamo ka ah?!" inis pa ding tanong nito kaya napapikit nalang ako tsaka pinakalma ang sarili ko

Jazz buntis yan intindihin mo nalang

  "Hindi ho madam. ano ho ba yun?" tanong ko nalang

  "Bat mo inaaway si lerryanne?" deretsong tanong nito

Napatitig naman ako sa kanya "Kilala mo yung babaeng yun?"

  "Itatanong ko ba kung hindi ko kilala?" mataray na tanong nito

Ofcourse jazz kilala nya kaya nga tinatanong eh

  "Anong inaaway pinagsasabi mo?"

Napaupo naman sya ng maayos at kita kong medyo nahirapan sya kasi malaki na talaga yung tyan nya
Inalalayan naman sya ni Ian

Sana lang talaga hindi sa kanya magmana ng ugali tong magiging inaanak ko

  "Dedeny ka pa? Bat di mo sya panindigan ah?"

  "Panindigan?" takang tanong ko

  "Engot mo naman. bulag ka ba? nandun kami ni Ian nung nag-away kayo sa hallway nang building ng company namin narinig ko lahat baka gusto mo masaksak kita ngayon?" seryosong sabi nya naman

  "Fine. pero wala akong paninidigan sa kanya tsaka she's not my type" deretsong sabi ko

Literally not my type
Yeah she's pretty
Pretty annoying

Nagulat naman ako nang pukulin nya ko nang buto ng mangga

  "Aray! What the!" singhal ko

  "Ganyan na ugali mo ah? Kinuha mo yung pagkababae nya so dapat panindigan mo yun!" gigil na sabi nito

  "Mahal kalma" sabat naman ni Ian tsaka hinimas yung likod ni rein

  "Eto kasing si Jazz eh! Napakainsensitive!"

Napabuntong hininga nalang ako tsaka tumayo "Wala akong pananagutan sa kanya okay? Ginusto nya yung nangyari samin tsaka hindi sadya yun lasing kami nun"

  "Ah so ganun? Sige kung hindi ka magsosorry kay LerryAnne hindi kita kukuning ninong ni baby edrian" sagot nito sabay tayo "Osya lumayas kana. hahanap nalang ako ng kapalit mo" dagdag pa nito

  "What? No!" reklamo ko "Dahil lang kay lerryanne talaga rein ah?"

  "Oh bakit? mahirap ba yung sinasabi ko na kahit magsorry kana lang?" muling tanong nito sabay harap sakin

Napapikit nalang ako tsaka sumagot "Fine"

--

Rein's Pov

  "Kanina ka pa tulala mahal anong iniisip mo?" tanong sakin ni Ian kaya napatingin ako sa kanya

  "Wala naman mahal. pero sa tingin mo may chance sila Jazz?" tanong ko

Take Me To Your Paradise (COMPLETED)Where stories live. Discover now