Nandito ako ngayon sa isang ministop kasama tong bugok na Justin na to.Nakakairita kasi ayaw akong tantanan.
Ganyan sya pag uwian na hilig sumabay sakin at magpalibre"Eto tsaka ito. pati tong cup noddles ah? hehe" sabi nya sabay abot sakin nung mga pagkaing kinuha nya
"Wala ka bang pambili hampaslupa ka?" inis na singhal ko sa kanya sabay kuha nung mga binili nya
"Meron. kaso sabi nila, Mas masarap daw pag libre hehe" ngingiti ngiting sabi nito
Malakas na batok naman ang inabot nya sakin sa sobrang kakapalan ng mukha nya.
"Aray ko naman. Minsan lang eh, tsaka bat ba nambabatok ka? Mamaya makita ka ng mga fans ko ibash ka pa" nakasimangot na sabi nya
Sinagi ko nalang sya at nagtungo na sa counter para bayaran lahat ng binili ko
"Hatdog your fans. pagbubuhulin ko pa yang mga fans mo sama kana. perwisyo ka eh" inis na sabi ko
"Ahm ma'm 756 po lahat." sabi nung cashier. bumunot naman ako ng 1k sa pouch ko at inabot sa kanya yon
"Grabe kana man sa akin. Di mo alam napakaswerte mo kasi nakakasama mo ang isang Aiden Justin Dela Torre. Ang pinakagwapo at pinacute sa lugar na to. Sinasaktan mo lang ang feelings ko Kahlea" pag-iinarte nito
Jusko mas malala pa pala to kay Jo magpabebe nakakairita.
"Sir justin!?" gulat na tanong nitong babaeng cashier na kaharap ko
Tinignan ko naman sya at para syang tangang nagpapacute sa harap ni Hampaslupa.
Nginitian naman sya ni kupal tsaka tumango.
"Hala. omyghad! tagal ko na pong gusto kayong makita. kaso pag magseset yung fansclub mo ng fanmeet lagi akong hindi nakakapunta dahil sa work. huhu pwede po ba magpapicture?" pagpapacute pa nito sabay hawi ng buhok nya
Bat yung ibang mga babae. Ang hilig magpabebe pag nakakakita ng lalaki.
"Sure. no problem" sabat naman nitong kupal na to.
Nagpicture naman sila.
Picture dito, picture don. Pacute dito pacute don
at After so many yrs..Natapos din. Sana naman may hiya pa tong babaeng to no?
"Ahh miss. medyo nabubulok na ko dito, Yung sukli ko" singit ko kasi nangangalay na ko
Naka 100 shots ata sya.
Jusko patay na patay. Lalong lalaki ulo neto ehNataranta naman sya tsaka agad na iniabot sakin ang sukli ko.
Agad ko namang kinuha yon at umalis na ako at umupo sa bakanteng upuan na naroon.Binuksan ko yung cup noodles ko tsaka nilagyan yon ng mainit na tubig.
Maya maya lang pumunta na sa harapan ko si Justin 'Kita mo yun? Ang ganda no? isa sa mga FANS ko yun' ngiti ngiting sabi nya
Inirapan ko nalang sya at tinignan yung cup noodles ko.
Psh tagal naman maluto nito. Nagugutom na ko
"Oy nga pala nakita ko si theo kanina ah? Ininvite ako kakasal na daw sya sa baboy biik nyang shota" singit nito
Natawa naman ako.
Kelan ba ko mawawalan ng tropa na hindi laitero.'Oo alam ko." sagot ko naman at humigop ng kape
"Oh? Talaga? ininvite ka din? pupunta ka? sama tayo tara"
"Psh. di ko alam, Ayoko pumunta"
"Bat naman? Gago mapaghahalataan ka nyang bitter ka eh. Ipakita mo sa kanya kasi na wala lang!"
YOU ARE READING
Take Me To Your Paradise (COMPLETED)
RomanceIn a tale of love, redemption, and unlikely connections, Rein, a woman harboring wounds from past relationships, crosses paths with Ian, a homeless man in need of compassion and support. Moved by empathy, Rein and Ian's paths intertwine as she, alon...