"Ang aga mo. Nakatulog ka ba ng maayos?"Napatingin ako kay Ian at tsaka ngumiti.
"Hindi gano. Naninibago siguro ako" sagot ko tsaka muling tumingin sa ulap
Di naman na sya sumagot at naupo nalang din sa tabi ko
"Ang ganda ng langit no? Alam mo ngayon ko lang masasaksihan ang pagsikat ng araw" nakangiting sabi ko at nanatili pa rin ang tingin sa papasikat na araw "Weird no? kasi sa 22 yrs kong nandito sa mundo never ko pang nakita ang pagsikat ng araw. Madalas kasi tanghali na ako nagigising kaya hindi ko naaabutan" dugtong ko tsaka pumikit at lumanghap ng sariwang hangin
"Noong bata ako takot ako sa paglubog ng araw" sabat naman ni Ian kaya napatingin ako sa kanya "Bakit naman?" takang tanong ko
Ganda ganda kaya ng sunset.
Huminga muna sya ng malalim bago sumagot "Natatakot ako. na sa paglubog ng araw baka hindi ko na muli pang masaksihan ang pagsikat nito" malungkot na sabi nya "katulad ni mama at papa. hindi na nila pa muling nasilayan ang pagsikat ng araw" dugtong nya at tumulo ang luha nya
Nakaramdam naman ako ng lungkot.
Kung sa bagay tama nga naman sya.. Paano kung masaksihan mo nga ang pagsikat ng araw ngayon pero kinabukasan hindi mo na ulit makikita ang liwanag nito.."Lumaki akong mapagmahal sa magulang. Sila lang ang kasama ko sa lahat, Naging magulang at kaibigan ko sila mama at papa. Kaya nung nawala sila.. Para na kong nawalan din ng buhay. " kwento nya habang patuloy pa din na umaagos ang luha nya "Ilang beses kong tinangka na wakasan ang buhay ko. Ano pang silbi diba? Kung yung pamilya ko wala na. kung yung dahilan bat ako nabubuhay iniwan na ako. Gusto ko nalang din sumama sa kanila. Kaso tuwing sinusubukan ko laging palpak eh" natatawang dugtong nya pa
Marahang pinunasan ko naman ang luha nya. "Siraulo ka. wag mo na ulit uulitin yon" nakangiting sabi ko. "Wala man sila mama at papa mo ngayon sa tabi mo. Pero alam ko ginagabayan ka nila at hindi sila magiging masaya kung susuko ka. Sabi nga ni mommy pag may problema ka. Wag mong sukuan, labanan mo. kasi alam ko naman na maiipanalo mo yun"
Napatitig naman sya sakin at ngumiti "Sana katulad mo rin ako mag-isip. Sana kasing tapang din kita.. Sana katulad mo may mga tao ring nagmamahal sakin.. sila mama at papa lang kasi ang meron ako.. Nangiwan pa haha"
"Meron ka pang a-ako.. kami. andito na kami Ian, Pamilya mo na rin kami ngayon." sagot ko habang nakatitig pa din sa mga mata nya
Hindi sya sumagot at biglaan akong niyakap. Naramdaman ko ang kamay nya sa bewang ko. "Payakap ah? Kahit sandali lang" rinig kong bulong nya. ramdam ko naman ang hininga nya sa bandang leeg ko
Shit naman bat ang init.
Tumango nalang ako at hinagod ang likod nya "Okay lang. Iiyak mo lang"Sa pagkakataong yon. Narealize ko na wala pa pala yung pinagdadaanan ko kesa sa napagdaanan ni Ian.
Wala pa ni katiting. Ako nagkaganto ko dahil sa walang kwentang pag-ibig na yan. kumpleto ang pamilya ko may pera, kaibigan, bahay ako. Lahat ng gusto ko nasusunod ko..
Samantalang si Ian..
Magulang nalang ang meron sya nawala pa..
Kung ako nasa sitwasyon nya. Malamang sa malamang naloka na ko..Ilang minuto syang umiyak sa balikat ko. Hanggang sa kumalas na sya sa pagkakayakap sakin "Salamat rein.. Nailabas ko rin yung ilang taon kong tinago. simula kasi nawala si papa hindi ako umiyak tinatagan ko ang sarili ko kasi ako nalang maiiwan eh.. pero habang tinatago ko pala sa dibdib ko yun. mas lalo pa lang bumibigat mas lalong mahirap"
Nginitan ko sya tsaka muling itinuo ang tingin ko sa araw na kitang kita na.
"Minsan kasi.. hindi sa lahat ng oras kailangan ipakita nating matatag tayo. Minsan gawin mo rin yung makakapag pagaan ng loob mo, Hindi kahinaan ang pag-iyak Ian.. Normal lang yun lalo na kapag sobrang bigat na" ngiting sabi ko at dinamdam ang malamig at sariwang hangin. Nakakarelax naman ang hangin dito.
YOU ARE READING
Take Me To Your Paradise (COMPLETED)
Roman d'amourIn a tale of love, redemption, and unlikely connections, Rein, a woman harboring wounds from past relationships, crosses paths with Ian, a homeless man in need of compassion and support. Moved by empathy, Rein and Ian's paths intertwine as she, alon...