CHAPTER 11

19 8 0
                                    

"Wooooo!!!! WE'RE HERE!!!! "malakas na sigaw ni Jo at parang tangang nag ikot ikot pa

After 828193848 hours ng byahe sa wakas nakarating na kami.

"Nakakapagod." sabat ni Reid at nag-unat unat pa

"Pagod? eh buong byahe ka nga natulog!" singhal ko naman sa kanya at binatukan sya

Napakamot nalang sya ng ulo at inirapan ako

Attitude koya mong panget. HAHAHA

Sumunod naman kaming lahat don at pinagmasdan ko ang paligid.

"Hmmmmm. Ang sarap ng simoy ng hangin" bulong ko sa sarili ko at pumikit

Breath taking.

Ang ganda ng view kahit gabi na.
Maganda din yung buwan na tumatama sa dagat.

"Ang ganda naman dito. Alam mo noon nakikita ko lang tong lugar na to sa tv at magazine ngayon andito na ako" sabat naman ni Ian at pinagmasdan nya ang kalangitan

Napatingin naman ako sa kanya

"Alam mo kung anong mas maganda pa bukod sa buwan at dagat ngayon?" tanong nya tsaka napatingin naman din sakin "Ano?"takang tanong ko at tumingin naman sa buwan.

Napakaganda at napakaliwanag ng ilaw ng buwan ngayon.
Nung bata ako. Pag nalulungkot ako, Tumitingin ako sa buwan.
Ewan ko ba. Dun ko nahahanap yung pagiging kalmado ng puso ko pag may bumabagabag sa isip ko.
Sabi ni mommy noon. Pag aralan ko daw maging buwan sa kapwa ko. Nagtaka naman ako dahil pano ko gagawin yun eh tao ako HAHAHA
pero batok lang ang inabot ko nun kay mommy kasi ang pilosopo ko nga daw. Well slow ang ate mo ghorl eh. Ngayon naintindihan ko na yung sinabi sakin ni mom noon. Tanda tanda ko pa nga yung eksaktong sinabi nya eh na

~

"Kahlea.. pag laki mo. Gusto ko pag aralan mo maging buwan sa kapwa mo "sabi sakin ni mommy habang sinusuklay nya ang buhok ko at pareho kaming nakatitig sa buwan

Nagtaka naman ako at nilingon sya "Ha? pano ko po gagawin yon mom? eh tao ako" takang sagot ko naman kaya binatukan ako ni mommy

Napasimangot nalang ako tsaka muling tumitig sa buwan na kahit kalahati ay sobrang liwanag pa din. "Tulad ng buwan. Nagbibigay ito ng liwanag sa gabi. Gusto ko anak pag laki mo. Katulad ka din ng buwan. Magbigay liwanag ka din sa mga taong mayroong madilim na mundo." nakangiting sabi ni mama

Napatinging muli ako sa kanya at nagtaka
Ngumiti nalang si mama at muling pinagpatuloy ang pagsuklay ng buhok ko "Paglaki mo kahlea. Maiintindihan mo kung bakit"

--

At ngayong malaki na ako. Naiintindihan ko na ang sinabi sakin ni Mom noon. Yung tumulong ka at magbigay liwanag sa mga taong nangangailangan nito. Liwanag sa madilim nilang mundo.

At ang mundo ni Ian ang nabigyan ko ng liwanag..

"Hoy rein" tawag sakin ni Ian na kasalukuyang nasa tabi ko pa din pala "A-ah oh bakit? A-ano pala sasabihin mo?" takang tanong ko at nag-iwas ng tingin

Napakamot nalang sya sa ulo nya "Wala.. Sira na yung banat ko" mahinang bulong nya pero wala akong nagets.

"Ha? Anong sabi mo?"

"Wala. Pasok na tayo sa loob baka inaantay na nila tayo" iling na sabi nya tsaka nag-umpisa nang maglakad.

Anyare don?
Baka naman nakita nya yung laway ko tumulo?
O may kulangot ako sa ilong pero di nya lang masabi dahil nahihiya sya?
Ilang segundo ba syang nakatitig sa pretty kong face?
Nangulangot naman ako pero wala namang kulangot na sumabit eh.
Baka naman na shock sya sa ganda ko?

Take Me To Your Paradise (COMPLETED)Where stories live. Discover now