"Baka hinahanap kana nila" bulong ni Ian habang nakayakap sakinUmiling lang ako "Magpapaliwanag nalang ako pag-uwi ko" sagot ko nalang tsaka muling pumikit
Nandito ako ngayon sa isang hotel kasama si Ian
Napagdesisyunan namin na dito na muna dumiretso
Tumakas kami kanina kela Jazz at Chloe"Kumain kana ba?" tanong nya
"Busog pa ako" mahinang sagot ko
"Sabihan mo ko kung nagugutom ka. bibili ako sa labas" ani nya ulit kaya tinitigan ko sya
"Ayoko.. baka iwan mo na naman ako" malungkot na sabi ko
Hinalikan nya lang ako sa noo pero hindi sya nagsalita kaya kinabahan ako at napabangon
"So iiwan mo nga ako?" kabadong tanong ko
Hindi ko na mapigilan yung sarili ko tuloy tuloy na namang pumatak yung luha ko
"Hindi kita iiwan ano bang sinasabi mo?" aligagang sabi nito sabay upo
"Eh bat hindi ka sumasagot?!" inis na tanong ko habang nakatitig sa mata nya
Hinawakan nya naman ang kamay ko tsaka hinalikan yon "Hindi ako aalis. Hindi kita iiwan" pagpapakalma nito sakin
"Iniwan mo nga ako eh" sabi ko nalang tsaka umiyak
Niyakap nya naman ako bago nagsalita ulit "kasi alam kong masaya kana kay jazz. alam kong hindi mo na ko mapapatawad"
Napakalas naman ako sa yakap nya tsaka sya hinarap
"Hindi kami ni Jazz tsaka alam ko na yung totoong nangyari" sagot ko naman "Sorry kung hindi kita pinakinggan.. sorry kung hindi kita pinaniwalaan at sorry kung nasaktan kita" tuloy tuloy na sabi ko habang umiiyak
Ngumiti naman sya tsaka marahang pinunasan ang luha ko
"Hindi na ko aalis ulit pangako" sabi nya sabay yakap sakin "Sorry mahal." dagdag nya
Halos maiyak na naman ako nang marinig kong tawagin nya kong mahal
"W-wag ka magsorry.. ako ang may kasalanan hindi kita pinakinggan.. sinabi lahat sakin ni justin yung nangyari at hayup na lerry anne na yun" inis na sabi ko
Natawa nalang sya tsaka ako hinalikan sa noo "Wag mo na isipin mahal. ang mahalaga nandito na ako ulit hinding hindi na ko mawawala"
Napangiti naman ako tsaka sya niyakap
"Teka. saan ka tumutuloy ngayon?" tanong ko
"Kela gerald" sagot nya
"Sinong gerald?" takang tanong ko naman
Halos mawalan ako nang balanse habang naglalakad sa kalsada sa kalagitnaan nang malakas na ulan
Sobrang bigat nang dibdib ko at halos hindi ako makahingaMasaya na ba sya kay Jazz?
Kala ko ba mahal nya ko? Bakit pakinggan man lang hindi nya ko mapagbigyanPatawid na sana ako nang may malakas na preno akong marinig
"Ohmyghaaad" boses nang babae ang narinig ko "Okay ka lang? Omg sorry!" ani nito sabay lapit sakin "Gerald! Magdahan dahan ka nga kasi magmaneho!" iritadong dagdag pa nya
"Sorry hindi ko sya napansin." boses lalaki naman ang narinig ko
Inalalayan nila ako pero sadyang nanghihina yung mga tuhod ko at halos manlabo na ang paningin ko dahil sa kakaiyak
"Dalhin muna natin sya sa condo" utos nung babae
Hindi naman na sumagot pa yung lalaki at inalalayan nalang akong makasakay
YOU ARE READING
Take Me To Your Paradise (COMPLETED)
RomanceIn a tale of love, redemption, and unlikely connections, Rein, a woman harboring wounds from past relationships, crosses paths with Ian, a homeless man in need of compassion and support. Moved by empathy, Rein and Ian's paths intertwine as she, alon...