CHAPTER 25

16 6 0
                                    


  "Anong oras na?" pupungas pungas na tanong ni Rein sakin kaya napatingin ako sa wall clock nang kwarto na to

  "6:36 na mahal" sagot ko naman

  "Nagugutom ako" sabi nya naman kaya napangiti ako

  "Anong gusto mong lutuin ko?" nakangiting tanong ko naman

Nag-isip isip muna sya tsaka ngumiti

  "Menudo mahal" ngiting sabi nya

  "Masusunod madam" sagot ko tsaka sya hinalikan sa noo

Palabas na ko nang kwarto ko nang may pumasok sa pinto

  "ATEEEEE!!" malakas na sigaw ni Renz na kakapasok lang kasama sila Lynyrd, Reid, Justin at Aron

Nagulat ako nang may huling pumasok pa na dalawa

Isang babaeng medyo may edad na pero maganda pa din at isang lalaking sa tingin ko na 45 na din ang edad pero napakakisig pa din nang katawan

  "Andyan na naman sila?" rinig kong sabi ni Rein tsaka dumungaw sa gilid ko "MOMMY?! DADDY?!" gulat na sabi nito sabay labas

Napamaang naman ako.
Nanay at tatay nila to?

--

Rein's Pov

  "Oh anak bat ganyan itsura mo?" salubong sakin ni papa nang mapansing di pa din ako okay maglakad

Kinabahan naman ako dahil lahat sila nakatingin sakin

  "A-ah.. natapilok po ako pa" sagot ko naman "Bakit pala kayo andito? anong ginagawa nyo dito?" pag iiba ko nang topic

Ngumiti naman si Mommy tsaka ako nilapitan

  "Gusto lang namin makilala yung future son in law namin" sabi naman ni mommy at tumingin sa gawi ni Ian

Kita ko naman yung pagkailang sa mukha nya kaya hinaltak ko sya papalapit sakin

  "Yan na ba yun anak?" nakangiting tanong ni daddy

Bumuntong hininga muna ako bago sumagot

  "Yes daddy. Ian si mom and dad" pagpapakilala ko kela mom kay Ian

  "G-goodevening po ma'm sir" kabadong bati ni Ian

Napatawa naman si dad kaya napatingin kami sa kanya

  "Ang formal naman nyan anak. Papa nalang" sagot ni dad kaya napangiti ako

Pansin ko namang nangiti din si mom "Mama nalang din itawag mo sakin iho" sabi naman ni Mommy

  "Dad, Mom si Ian po Boyfriend ko" pag papakilala ko naman kay Ian sa kanila

  "Napakagwapong bata nito" saad ni mommy "Gwapo at maganda din siguro magiging apo ko" dagdag nya pa kaya napalaki naman yung mata ko

Pansin ko namang natawa si Ian kaya kinurot ko sya

  "Hay nako mommy kung ano anong pinagsasabi mo" suway ko sa kanya

  "Ma, P-pa excuse me po. Ipagluluto ko po muna kayo" paalam ni Ian tsaka ngumiti at pumunta sa kusina

  "Magandang lalaki pala ang nobyo mo anak eh" sabat ni daddy habang nakatingin pa din si pinuntahan ni Ian

  "Pipili ba ko nang pangit dad?" natatawang tanong ko

  "Sus kala mo si butiki gwapo" sabat naman nang magaling kong kapatid kaya tinitigan ko sya

  "Oo nga. kulang nalang isang bulate pipirma eh" natatawang sabat naman ni Reid

  "Partida kahit lasing ka di mo mapagkakamalang gwapo yun eh" tatawa tawang sabi naman ni Lynyrd

Take Me To Your Paradise (COMPLETED)Where stories live. Discover now