CHAPTER 21

16 6 0
                                    

Ilang days na ang nakalipas simula nung nangyari sa restaurant
Di ko pa rin makalimutan yung reaction nang mukha ni Ian nang makita nyang hinalikan ko si Jazz sa harapan nya

  "Goodgirl" rinig kong bulong ni Jazz nang makita nyang agad na umalis si Ian

Para naman akong lantang gulay nang marealize kong umalis na sya

"Bat ka malungkot? Nakaganti kana" sabat ulit ni Jazz habang pinagpatuloy yung pagkain nya

Napatulala naman ako

  "Oh" abot ni Jazz sakin nang bimpo kaya napatingin ako sa kamay nya

Agad ko namang kinapa yung mata ko at dun ko lang napagtantong tumutulo na pala yung luha ko

  "S-salamat" sagot ko nalang sabay kuha nang bimpo na inabot nya

  "Rein. Alam kong mahal na mahal mo si Ian pero tama lang yung nakita nya" sabat nyang muli "Sya naman ang nauna hindi ba? Hindi mo kailangan makonsensya" dagdag nya pa habang nakatitig sakin

  "P-pano kung isipin n-nyang.. A-ang bilis ko n-naman humanap nang k-kapalit nya .. P-pano kun--" hindi ko na natapos yung sasabihin ko nang hawakan ni Jo ang kamay ko

  "Alam kong nasasaktan ka ngayon rein pero may point si Jazz si Ian naman talaga ang nauna diba? Hayaan mo nalang sya sa kung anong iisipin nya kasi kasalanan nya naman eh" pagpapatahan sakin ni Jo

Nanatili lang akong umiiyak kaya hindi na ulit sila nagsalita at pinakalma nalang ako

  "Ate hindi mo ba namimiss si Kuya Ian?" tanong sakin ni Renz habang nakaupo sa sofa

Nandito sila ngayon sa condo namin ni Jo as usual pag walang pasok lagi talaga silang andito lalo na't linggo na naman bukas

  "Hindi na nya namimiss wag kana mangulit" sagot naman ni Jo dahil alam nya naman na minsan iniiyakan ko pa din si Ian

"Ikaw ba tinatanong pandak?" sabat naman ni Aron habang nagbubukas nang wine

Napikon naman ako dahil stock namin yung inuubos nila

  "Kayo talagang pupunta kayo dito para ubusin yung alak namin eh!" inis na sabi ko

  "Marami naman kayong pambili" sabat naman ni lynyrd habang nagkakalkal sa ref "Ano to?" tanong nya nung kunin nya yung tira kong cake "Akin nalang to" dadag pa nito sabay sara nang ref

Putanginaaaaaaaa!

  "AKIN YAAAN!" inis na sigaw ko sabay takbo papalapit sa kanya

Agad nya naman tinaas yun tsaka nagbelat "Abutin mo" pang aasar pa nito

Para naman akong tangang talon nang talon kasi hindi ko sya abot dahil sobrang tangkad nya at hanggang dibdib nya lang ako
Kasing tangkad nya siguro si Ian
Hay nako Rein! magtigil tigil ka puro ka Ian! mag move on kana kasi!

Nasa ganung sitwasyon kami nang may kumatok

Hindi ko naman pinansin yun at nanatiling inaagaw yung cake ko na hawak pa din ni Lynyrd

Napansin kong natahimik naman si Lynyrd at nakatitig lang sa pinto kaya agad naman akong tumingin sa gawing yun at halos manlambot na naman yung tuhod ko nang makita kong nakatayo doon si Ian habang basang basa

  "Anong ginagawa mo dito?!" galit na tanong ni Jo kay Ian

Hindi naman sya pinansin nito at nanatili lang ang tingin nito sakin
Lumapit na din ako kahit na para akong tutumba
Nanibago ako sa itsura nya Pumayat sya, Humaba na din yung buhok nya tsaka mukha syang laging puyat dahil malalaki yung eyebags nya

Take Me To Your Paradise (COMPLETED)Where stories live. Discover now