"Dalian mo. Isukat mo na tong lahat! Bilis!" utos ni jo kay Ian sabay bigay nang sang katutak na damit
Napakamot nalang sa ulo si Ian at sumunod nalang sa inutos niya.
Natawa nalang ako dahil walang ibang magawa si Ian dahil nga sobrang kulit nitong babaitang to. Pagkatapos kasi naming kumain inaya na kami agad dito ni Jo sa mall dahil nga badtrip sya sa jowa nya at gusto nyang magrelax. Natatawa na nga lang ako kasi pag niloloko ko sya mukha syang maiiyak na eh HAHAHA.
Ilang sandali pa lumabas na si Ian galing fitting room suot ang isang black pants and white polo.
Napangiti naman ako dahil bagay sa kanya at mukha syang empleyado ng companya." Ikot ka nga" utos ni Jo. sinunod naman yun ni Ian at umikot. "Sige sukatin mo lahat"
Pumasok naman ulit si Ian sa loob at nagsukat
"Ako beb. di mo ko ibibili ng damit?" Biro ko sa kanya. Napatingin naman sya sakin at napairap "Mas madami kang pera sakin bat sakin ka nagpapalibre?" mataray na tanong ni gaga
Beastmood. HAHAHA.
"Grabe. nakakasama ka ng loob ang tagal na nating magbestfriend pero di ko mo ko malibre. pero yang si Ian pinagshopping mo pa. Tsk tsk" kunwaring nagtatampo kong sabi "Siguro.. ikaw ahhh" pang-iinis ko pa
Napataas naman ang kilay nya "Ano?"
"Mas gusto ka kay Ian no?" pangiinis ko.
Napalaki naman ang mata nya at kinurot ako sa tagiliran
"ARAY NAMAN!!" daing ko dahil ang haba ng kuko nya
Ang sakit huhu. napakaamazona talaga neto.
"Gaga! Ang issue mo! Di ba pwedeng gusto ko lang magmake over? tsaka napapanuod ko yun sa mga kdrama no. yung mga nag mamake over dzuh, pati sayang din yung itsura ni Ian ang gwapo nya kaya " nakangiting sabi nito
Ang creepy shet.
Tinignan ko naman sya nang hindi makapaniwala look.
"Oh bakit? Aminin mo man o hindi. Gwapo si Ian--" di natapos ni Jo ang sasabihin nya ng lumabas muli si Ian at suot nya naman ang short na hanggang tuhod at denim na polo umikot sya sa harap namin at nagthumbs up naman si jo sa kanya at senenyasan na magsukat ulit. sinunod naman yon ni Ian at pumasok ulit sa fitting room "Kita mo diba? Gwapo talaga si Ian. di mo aakalaing nakilala natin sya bilang homeless guy. Bukod sa makisig yung katawan, mabait, masipag tas diba ? gwapo sya. matangos ilong, maganda yung mata tas alam mo yun bagay yung hulma ng ilong nya sa mukha nya pati yung labi nya pink. di halatang galing hirap, swerte yung magiging jowa neto ni Ian eh bukod sa nasa kanya na lahat ng katangiang mabuti, gwapo pa. bonus na yon kumbaga" patuloy nya
Di ako makapaniwalang nakatingin sa kanya
Srsly? oo nga aminado naman akong gwapo si Ian pero naweweirduhan ako dito para syang jowang inlove na inlove sa boyfriend nya kung makadescribe eh.
kadiri."Omg ang gwapo nya.."
"Mukha syang billboard model.."
"ANG GWAPOO!!"
"kaya nga eh papicture tayo dali!!"
Rinig kong sigawan nang mga babae dito sa loob.
Gulat naman kaming napalingon dun ni Jo sa mga babaeng parang tangang nagtitilian.
Nakatingin sila dito banda sa pwesto namin kaya sabay kaming napatingin ni jo don sa tinitignan nila kaya sabay din kaming napanganga nang makita si Ian na nakatayo sa harapan namin habang nahihiyang nagkakamot nang ulo.
Nakasuot sya nang Black fitted na longsleeve at white fitted na jeans. bakat na bakat din yung hubog ng katawan nya
"Eto na yung panghuli.. natapos ko na sukatin yung iba" nahihiyang sabi nya habang nakayuko
YOU ARE READING
Take Me To Your Paradise (COMPLETED)
RomanceIn a tale of love, redemption, and unlikely connections, Rein, a woman harboring wounds from past relationships, crosses paths with Ian, a homeless man in need of compassion and support. Moved by empathy, Rein and Ian's paths intertwine as she, alon...