Lunes na ngayon at napagdesisyunan ko nang pumasok ulit sa trabaho
Ilang araw din akong di nakapasok dahil nga wala akong ganaPapasok na ko ng salubungin ako ni Dea "Oh buti naman nakapasok kana" bungad nito sakin
Tinapik ko naman sya sa balikat bago pumasok "Boring na ko sa condo eh. need ko na din ng pera" sagot ko sabay lapag ng bag ko
"Sus makaarte naman to akala mo hindi mayaman" sagot nya naman kaya natawa ko
Oo nga mayaman nga ako. Kahit nga ata hindi na ko magtrabaho eh mabubuhay ako pero gusto ko talaga gumastos ng perang pinaghirapan ko ayoko naman iasa pa kela mommy yung pang sariling gastusin ko noh
"Ay may naghahanap pala sayo kanina. nakooo! napakagwapong lalaki" singit naman ni ange
Nagtaka naman akong tinitigan sya bago magsalita "Sino daw?" tanong ko
Gwapong lalaki? si Ian lang naman gwapo sa paningin ko eh haaaays
"Di nagpakilala eh. Pero matangkad tas medyo malaki katawan tsaka medyo singkit yung mata" sagot nya naman
Napaisip naman ako kung sino yun.
"Bat daw nya ko hinahanap?"
Sino kaya yun?
"Walang sinabi eh. basta nagtanong lang tas nung sinabi kong wala ka pa umalis agad eh gwapo sya pero medyo weird" kwento nya pa kaya napakunot yung noo ko
"Hayaan nyo na nga" tanging nasabi ko nalang
Pero sino kaya yun?
Di naman na sila sumagot at bumalik nalang ulit sa kanya kanyang trabaho
--
Jo's Pov
"Oh aga mo ata ngayon" bati ko kay Ian ng makasabay ko sya sa paglalakad malapit sa condo
"Wala naman na gaanong ginagawa kaya pinauwi na ako ni Tito" ngiting sagot nya
"Mukhang botong boto sayo si Tito ah" pang-aasar ko "Bigyan mo na kasi ng apo" dagdag ko pa
Natawa naman sya "gustuhin ko man pero si madam pa din ang masusunod" sagot nya kaya maski ako natawa
"Ikaw ah! Gusto mo na ng panganay noh?" biro ko sa kanya
"Kung si rein naman ang magiging nanay. gugustuhin ko na talaga" sagot nito kaya mas lalo akong napangiti
"Deds na deds ka talaga sa bff ko ah" pang-aasar ko ulit
"Wala eh solid yung tama ko kay rein" sagot nya nalang
Nasa tapat na kami ng pinto nang may marinig kaming sigaw
"TULONG!!!!!!!!"
--
Rein's Pov
Pauwi na ko ng may maramdaman akong parang sumusunod sakin
Agad naman akong nagpalinga linga sa paligid pero wala naman akong nakita kaya nag madali nalang akong maglakad
Bawat hakbang ko ramdam ko talagang may nakasunod sakin kaya mas lalo ko pang binilisan ang paglakadHalos habol hininga ako ng makarating ako sa tapat ng condo namin
Isasara ko na sana yung pinto ng may biglaang tumulak nun at mabilisang nakapasok sa loob"Sa wakas masosolo din kita"
"Anong ginagawa mo dito?" kabadong tanong ko
Di sya sumagot at dahan dahang lumapit sakin
"Napakabango mo" sabi nito habang inamoy yung buhok ko
Tinapik ko naman yung kamay nya pero nagulat ako ng pwersahan nya kong itinulak at mapahiga sa sofa
YOU ARE READING
Take Me To Your Paradise (COMPLETED)
RomantikIn a tale of love, redemption, and unlikely connections, Rein, a woman harboring wounds from past relationships, crosses paths with Ian, a homeless man in need of compassion and support. Moved by empathy, Rein and Ian's paths intertwine as she, alon...