CHAPTER 31

13 1 0
                                    

  "MAHAL!!" malakas na sigaw ng babaeng pinakamamahal ko kaya nagmadali naman akong pumunta sa kwarto nya kahit nagluluto ako

  "Bakit mahal?" tanong ko pero sumimangot lang sya kaya nagtaka ako

  "Wala pala.. alis kana ulit" sabi nya nalang tsaka sinenyasan na lumabas ako

Kamot ulo naman akong lumabas ng makita ako ni Jo

  "Ano kaya pa?" natatawang biro nito

Natawa naman ako kasi halos mag 8months na din ang nakalipas simula nalaman naming buntis sya
Napaalam na din namin kela tita at tito at sobrang excited nila sa paglabas ni baby
Kahit nga sila Renz halos gabi gabing andito dahil binabantayan at kinakamusta si Rein
Madami dami na nga ding gamit si baby dito sa condo dahil panay sila regalo kahit wala pa si baby

  "Basic" sagot ko nalang. babalik na sana ako ulit sa kusina ng marining kong tinawag nya na naman ako

  "MAHAAAAAAL!!" tawag nya ulit kaya nagmadali na naman akong puntahan sya

Nakita ko naman sya na nakaupo habang malungkot na nakatulala
Nag-alala naman ako kasi baka mastress sya kaya agad ko syang nilapitan at niyakap

  "Bakit ka malungkot mahal? May problema ba?" alalang tanong ko

Tinitigan nya muna ako bago magsalita "M-mahal? Ayaw mo na ba sakin kasi malaki na tyan ko?" tanong nya tsaka hinimas yung tyan nya

Pigil tawa naman ako bago muling magsalita
Ang cute naman ng misis ko

  "Hindi mahal. Kahit lumobo pa yung tyan mo ng malaking malaki ikaw at ikaw pa din ang mahal ko" sabi ko sa kanya sabay halik sa noo nya

Nagulat naman ako ng umiyak sya kaya nataranta na naman ako "Bakit mahal?" tanong ko

  "BAKIT?! HINDI NA BA AKO SEXY?! SO AMINADO KA NGANG MALAKI NA TYAN KO?!" umiiyak na sabi nito

Nako po

  "Mahal hindi. pano ba to? ibig kong sabihin kahit anong maging itsura mo ikaw pa din talaga yung mamahalin ko at hahanap hanapin ko. tsaka totoo naman diba? malaki naman na talaga yang tyan mo ngayon kasi nandyan si baby" pagpapakalma ko sa kanya

Medyo tumahan naman sya kaya napanatag ako "T-talaga? Mahal mo pa din ako? eh pano kung maging ipis ako?" tanong nya ulit kaya napasapo ako sa noo ko

  "So hindi mo ko mamahalin kung ipis ako? Papaluin mo lang ako ng tsinelas ganun?" mangiyak ngiyak na naman tanong nito

Lord ganto po ba talaga maglihi ang mga buntis? Kasi sobrang weird talaga. Tulad nung nakaraan ginising nya ko ng alanganing oras para mabilhin lang ng ubas

"Mahal!" gising nito sakin kaya kahit antok pa pupungas pungas akong dumilat

  "Bakit mahal?" tanong ko

  "Mahal gusto ko ng ubas" sabi nito

  "Kukuha lang ako sa ref" sabi ko naman tatayo na sana ako ng bigla syang magsalita ulit

  "Ayoko nyan" reklamo nito sabay upo

  "Mahal may ubas tayo sa ref"

Sa totoo lang madami kaming stock na prutas sa ref kasi halos araw araw nagpapadala sila tita dito ng prutas pati sila reid nga din nagdadala

  "Ayoko nyang ubas na yan" pagmamaktol nya ulit

Huminga muna ako ng malalim bago sumagot "Anong ubas ba gusto mo mahal? may seedless tayo dyan"

  "Ayoko ng bili gusto ko hingi" sabi nito

Napamaang naman ako sa kanya "Mahal seryoso ka ba?" takang tanong ko

Take Me To Your Paradise (COMPLETED)Where stories live. Discover now