Halos dalawang linggo na din ang nakalipas ng makabalik si Ian dito sa condo
Nagkaroon na din sya ng bagong work thankful naman ako dahil pinasok sya ni daddy sa company namin sabi pa ni daddy si Ian nalang daw ang kapalit ko para magpatakbo ng kumpanya namin.
Ayoko naman kasi talaga magpatakbo nun kasi feel ko di ko naman kaya tsaka okay na yung si Ian yung andun
Atleast dun panatag ang loob ko dahil kasama nya si Renz at daddy"Kakaalis lang ng jowa mo namimiss mo na agad?" bungad sakin ni Jo ng mapansing tulala ako
Napairap naman ako tsaka kumain ulit "Pinagsasabi mo dyan baliw ka" sagot ko tsaka sya tinaasan nang kilay
Umupo naman sya sa tabing bangko tsaka nagsandok
"Tulaley kana naman kasi dyan. wag mong sabihing nag-ooverthink kana man na may babaeng haharurut sa bebe mo?" natatawang sabi nya ulit
"Duh. bat naman ako mag-ooverthink eh halos ata minuminuto nag uupdate sya sakin" pagmamayabang ko
Totoo naman kasi simula nagkaroon sya ulit ng trabaho halos minuminuto ata sya nag-uupdate
Kahit nga ata pag cr nya sinasabi nya pa sakin tas nagsesend sya madalas ng video at picture
Sinasabi nya din sakin kung saan sya pupunta at kung sino ang kasama nyaKahit nga nasa meeting sya talagang palihim syang nagsesend para lang maupdate ako
Hays napakaswerte ko talaga sa future hubby ko hihi
"Sus kayabangan mo" singhal nito kaya natawa ako
"Eh kayo ba ni justin ah kamusta?" tanong ko
Bihira ko kasi sila makitang magkasama eh madalas na ding busy si Justin sa negosyo nila
Umalis na kasi sya dun sa pinapasukan namin dati kasi sinabihan sya ng mommy nya na sya na din daw ang mag-asikaso ng negosyo nila dito sa maynila"okay pa naman" matipid na sagot nya kaya napatingin ako sa kanya
"pa naman? bakit? mag kaaway ba kayo?" takang tanong ko
"Hindi naman. pero naiirita na ko sa kanya lagi syang busy di na nya ko naiisip" busangot na sagot nito
Natawa naman ako tsaka sya pinalo "Gaga ayaw mo nun? nagttrabaho sya para sa future nyo! ayieeeeeeut" biro ko pero inismiran nya lang ako
Attitude ka anteh?
Inirapan ko nalang sya at di na ulit umimik
Nasa kalagitnaan kami ng katahimikan nang may nagdoorbellAgad naman akong tumayo para tignan kung sino yun.
Pagbukas ko laking gulat ko ng makita ko si Jazz kasama ang isang pamilyar na lalaki
"Long time no see rein" bati nung isang lalaki
Napakunot naman yung noo ko tsaka sya tinitigan "wag mong sabihin kahit sa personal hindi mo ko kilala?" takang tanong nya
"Hindi kita kilala. sino ka ba?" tanong ko pero napasapo sya sa noo nya tsaka nagcross arm
"Tinawagan kita hindi mo ko kilala. tas sa personal hindi mo din ako kilala? nakakasakit kana rein ah" sabi pa nito
Naguguluhan naman akong tinitigan syang mabuti
Tinawagan?
Nasa ganung sitwasyon ako nang may tumawag sakin
Agad ko namang kinuha yung phone ko sa side table nang kama ko"Hello?" tanong ko nang di tinitignan kung sino yung tumawag
"It's been a while rein" rinig kong sabi nang nasa kabilang linya
Napakunot naman yung noo ko tsaka naupo "sino to?" takang tanong ko
"balita ko. may boyfriend kana ah?" natatawang tanong nya kaya mas lalo akong nagtaka
YOU ARE READING
Take Me To Your Paradise (COMPLETED)
RomanceIn a tale of love, redemption, and unlikely connections, Rein, a woman harboring wounds from past relationships, crosses paths with Ian, a homeless man in need of compassion and support. Moved by empathy, Rein and Ian's paths intertwine as she, alon...