CHAPTER 30

16 6 0
                                    

Mag-iisang linggo na simula nangyari yung insidenteng yun at mabuti naman dahil medyo nakakabawi na rin si rein

Nandito kami ngayon sa sala kasama sila Reid
Ewan ko biglaan na naman silang pumunta dito. Para ngang gusto na dito tumira eh nakakaasar

  "Anong ginagawa nyo dito? Gusto nyo na ba magpaampon?" tanong ni rein habang kumakain ng chocolate cake nya

Napangiwi naman ako dahil nagtataka ko bakit hindi sya nauumay dun?

  "Wala naman ate. nakakabagot lang talaga sa condo tsaka andito din kami para mangamusta" sagot ni renz

Nasabi ko na kasi sa kanila yung nangyari nung nakaraan halos nga mapatay nito ni renz si lawrence ng makita nya sa kulungan eh
Nalaman na din nila tita at gusto nila magsampa ng kaso
Hindi na din pumasok si Rein pagtapos ng insidenteng yun di rin naman na sya pinayagan nila tita

  "Okay kana ba?" tanong ni Lynyrd

Tumango tango naman si rein ng nakangiti tsaka tumingin kay Ian "syempre andito sa tabi ko tong labidabs honeysugarpalm bebeboi ko eh"

Natawa naman si Ian at ako naman nandiri sa pinagsasabi ng babaitang to

Honeysugarpalm? kadiri amp baduuuuuy!

Nasa ganong sitwasyon kami ng biglang tumakbo si rein papuntang banyo
Pansin ko naman ang pag-aalala sa mata ni Ian kaya agad na akong tumayo at sinenyasan sya na ako na susunod kay rein
Tumango nalang sya kaya agad ko nang sinundan si rein

Inantay ko syang matapos
Ilang minuto lang narinig kong nagbuhos na sya at naghilamos
Maya maya lang ay binuksan na nya yung pinto at nagulat sya dahil nasa labas ako

  "Ginagawa mo dito? Tatae ka ba?" takang tanong nito

Di naman ako sumagot at may inaabot sa kanya "Ano to?" takang tanong nya

  "PT di ba obvious?"

Bakas sa mata nya ang pagtataka "Alam kong PT to pero anong gagawin ko dito?"

Napapikit naman ako bago sumagot "Kainin mo try mo" inis na sabi ko "Malamang gagamitin. Dalian mo di kana man na bata para turuan pa" inis na sabi ko nalang tsaka sya tinulak ulit papasok

Ilang araw ko na syang napapansin lagi syang nahihilo minsan naman wala syang gana kumain tas panay suka at tulog
Ganun din yung signs ng pinsan ko bago nya malamang buntis sya

Halos ilang minuto pa ang lumipas ng lumabas sya
Agad ko naman syang sinalubong "Ano resulta?" kabadong tanong ko

Dahan dahan syang ngumiti tsaka pinakita sakin yung results "Buntis ako" sabi nya

Agad ko syang niyakap at nagtatalon sa sobrang saya "Congrats!!!"

--

Ian's Pov

Bat ang tagal naman ni Rein dun? ano kayang ginagawa nila?

  "Nasa cr lang si ate kuya" pansin sakin ni renz ng mapansing panay lingon ako

Nasa ganung sitwasyon kami ng nagtatakbo si Jo habang nakangiti kaya nagtaka naman ako

  "Baliw kana?" pansin sa kanya ni Aron pero di sya pinansin ni Jo

  "Guess what?" excited na tanong ni jo

Lahat naman kami nakatingin sa kanya "Lika beb dali!" sabi pa nito tsaka hinila si Rein na tatawa tawa sa tabi nya

  "May sasabihin si Rein sayo Ian" dagdag pa nito

Tumingin naman ako kay rein na papalapit ngayon sakin

Take Me To Your Paradise (COMPLETED)Where stories live. Discover now