Simula nung gabing yun hindi ko na ulit nakitang masaya si Rein
Halos araw araw syang nakakulong sa kwarto nya
Kahit nga bisitahin sya nila Renz o Jazz hindi talaga sya lumalabas
Minsan nga nag-aalala na kami dahil hindi sya kumakain"Si ate kamusta?" tanong ni Renz sabay baba nang dala nyang prutas
"Ganun pa din.." malungkot na sabi ko
"Nasan si Rein iha?" napabalikwas ako nang makita kong pumasok si Tita
Agad naman akong tumayo tsaka tinuro yung kwarto ni Rein
"Sinama ko na si mama. kailangan nya ding malaman kung anong nangyayari kay ate" sabat ni Renz kaya tumango nalang ako
--
Rein's Pov
Nakahiga lang ako habang nakatitig sa kisame
Ilang araw na akong hindi makatulog kakaisip"Anak.. si mommy ito pabukas nang pinto" rinig kong katok sa pintuan ko
Agad ko naman yung binuksan at nakita ko si mommy na nag-aalala
"Kamusta anak?" bati nito sakin sabay pasok sa kwarto ko
"Okay lang po ako mom" pagkukunwari ko kahit kitang kita naman sa itsura ko na napapabayaan ko na "Ano pong ginagawa nyo dito?" dagdag ko
Napabuntong hininga naman sya bago sumagot
"Naikwento na sakin ni Renz lahat anak. Simula umpisa hanggang huli" sagot nya naman kaya naupo nalang din ako
"Okay lang po ako mom. malayo sa bituka" biro ko
Hinimas nya naman ang ulo ko tsaka pinasandal sa balikat nya
"Anak. Alam ko nasasaktan ka ngayon at naiintindihan kita sana lang wag mong sisihin ang sarili mo sa nangyari" panimula nya "at wag mo din sanang pabayaan ang sarili mo"
Napaiyak na ko tsaka sya niyakap
"Mom kasalanan ko po.. k-kasalanan ko kasi hindi ko sya pinakinggan h-hindi ko sya pinaniwalaan t-tapos ngayon hindi ko na alam kung n-nasan na sya"
Sandali muna kaming binalot nang katahimikan at hinayaan lang ako ni mom na umiyak
"Anak. sa pagmamahal hindi maiiwasan ang hindi masaktan siguro kasama lang din yan sa pagsubok sa relasyon nyo at naniniwala naman ako na maayos nyo yan" pagpapakalma sakin ni mommy
"Pero mom n-nakipagbreak ako sa kanya nang hindi k-ko man lang s-sya pinapakinggan"
Ang sakit sakit pa din pag iniisip kong ganun yung ginawa ko sa kanya..
Galit na galit ako sa sarili ko kasi nagawa ko pa syang saktan kesa pakinggan
Nanaig sakin yung galit kaya nawala sakin yung lalaking mahal ko"Anak kung kayo. kayo talaga hanggang dulo paglayuin man kayo sa ngayon pangako gagawa at gagawa pa din ang tadhana nang paraan para magkatagpo kayong muli" ngiting sabi ni mommy habang pinupunasan ang luha ko
"P-pero paano kung magtagpo kami ulit pero hindi na ako?" nanginginig na tanong ko
Hindi ko kakayaning makitang may ibang mahal na si Ian
Hindi ko kaya.."Simple lang ang sagot anak. Hindi talaga sya ang para sayo"
"S-sya lang gusto ko mom" umiiyak kong sabi
"Dalagang dalaga na talaga ang panganay namin" ani nalang nya tsaka ako niyakap muli "Maghihilom din lahat nang sugat anak.. lahat naman ng sugat masakit sa umpisa diba? pero sa paglipas nang panahon maghihilom din ito at tanging bakas nalang ang matitira.. tulad nang sa inyo ni Ian anak alam ko sa ngayon na sariwa pa ang sugat nito" sabay turo nya sa dibdib ko kung saan nakapwesto ang puso ko "pero sa pagtagal nang panahon anak maghihilom din yan. oras at panahon lang ang makakatanggal nang sakit na nararamdaman mo at sarili mo lang din ang makakatulong sayo" dagdag pa nito
YOU ARE READING
Take Me To Your Paradise (COMPLETED)
RomanceIn a tale of love, redemption, and unlikely connections, Rein, a woman harboring wounds from past relationships, crosses paths with Ian, a homeless man in need of compassion and support. Moved by empathy, Rein and Ian's paths intertwine as she, alon...