Maaga akong nagising dahil hindi rin naman ako ganong nakatulog kagabi kakaiyak
Halos di na ko makadilat sa sobrang maga nang mata ko"Nandyan sila Renz " bungad ni Jo pagkabukas nang pinto ko
Di na ko magtataka kasi alam kong alam na nila dahil naikwento na ni Jo yan kagabi sa kanila
Bumangon naman ako tsaka naghilamos at nagsuot nang sunglasses
Paglabas ko nang kwarto ko kita ko namang nakatitig silang lahat sakin
"Ate.. wala ka sa beach" biro ni Renz nang mapansing nakasalamin ako
"Wala ko sa mood bakit andito kayo?" tanong ko sabay upo
"Kamusta ?" tanong ni Jazz habang nagkakape
Inalis ko naman yung suot kong salamin sabay turo sa mata kong magang maga "okay na okay" sarkastikong sabi ko
"Para kang kinagat nang bubuyog ah" natatawang biro ni Aron
"Oh bakit nga kayo nandito?" tanong ko sabay higop nang kape na kakatimpla lang ni Jo
"Tinitignan namin kung buhay ka pa" sabat naman ni Reid habang kumakain nang tinapay
Napairap nalang ako tsaka nagpatuloy sa pagkakape
"Anong plano mo nyan?" tanong naman ni Jazz kaya napatitig ako sa kanya
"Wala." tanging sagot ko nalang
Ano pa bang gagawin ko? Habulin sya? Ayoko na.
"Wala? eh kung gantihan mo kaya" natatawang sabi nya ulit
Napaisip naman ako.
What if nga gantihan ko sya?"Pano?" tanong ko naman
"gamitin mo ko" seryosong sabi nya kaya napatitig kami sa kanya "what?" takang tanong nya
"Seryoso kuya? gagantihan nyo si Kuya Ian?" tanong ni renz
Napaisip naman ako tsaka tumango tango
Sa bagay sobrang selos nga pala ni Ian kay Jazz so bakit di ko subukan nang makaganti naman ako diba?"payag na ko" deretsong sabi ko
Napansin kong ngumiti naman si Jazz
"Pero gawin nyo yan pag okay na tong bruha na to. palipasin nyo muna yung araw kasi tignan nyo oh mukhang basurera na kakaiyak" singit naman ni Jo sabay upo sa tabi ko na may dalang kape at tinapay din
Umagree naman ako kasi pangit din naman diba? kung kakabreak lang namin kagabi tas may makikita silang kalandian ko agad
"San si Ian tumuloy?" singit ni Aron
Napaisip naman ako dahil sa tanong nya
San nga kaya sya nakituloy? baka naman dun ulit sa babaeng malandi na yun?
Ano bang meron yun? Bat hindi mawala sa kanya?
Tangina lang. pumayag na nga ako na kasama nya yun sa trabaho kasi may tiwala naman ako sa kanya tas ganun lang igaganti nya sakin? Kapal naman"Hindi ko na problema yun" inis na sabi ko
"May babae si Ian?" takang tanong ni Reid "eh sa pagkakakilala ko dun kay Rein lang patay na patay yun eh. baka nagsawa sayo pangit mo na kasi" natatawang sabi naman nito
Napaisip na naman ako.
Pangit na nga ba ako?
Agad akong nagpunta sa harap nang salamin para tignan ang kabuuan nang mukha koOkay naman ah.. bukod sa magang mata ko wala namang pangit sakin eh
"Mag make over ka girl uso yun pagtapos nang break up" sabat naman ni lynyrd na kakalabas lang galing banyo
Oo nga noh? Feel ko kailangan ko nun kasi ang tagal na din since huling punta ko nang salon
YOU ARE READING
Take Me To Your Paradise (COMPLETED)
RomansaIn a tale of love, redemption, and unlikely connections, Rein, a woman harboring wounds from past relationships, crosses paths with Ian, a homeless man in need of compassion and support. Moved by empathy, Rein and Ian's paths intertwine as she, alon...