"AHHHHHHH!!!! MAY MULTO!!!!!" sigaw ni Jo ng mamatay ang ilaw
Tanda tanda na takot pa sa dilim.
Tumayo nalang ako at nagtungo sa kusina para kumuha ng kandila.
"BULAGAAAA!!!" panggugulat sakin ni reid sabay labas sa gilid
Napairap nalang ako at bumalik na sa pwesto namin dala ang kandila at posporo
Pag mga takas mental talaga kasama mo. Masasanay kana lang psh.
"Laro nalang tayo." aya ni Aron ng mailapag at masindihan ko ang kandila
"Anong laro naman?" tanong ni Lynyrd habang laklak pa din yung bote ng wine na akala mo tubig lang
"Spirit of The Glass. Alamin natin kung sino ang nagmumulto sa unit na to, Balita ko sabi nung guardia sa baba. May bata daw na nagmumulto sa unit na to. Namatay daw yung bata dahil nilunod daw nang step father nya sa bathtub. Tuwing lumilipas daw ang alas dose ng hating gabi. Nagtatakbo daw ang bata paikot ikot dito at sa labas ng unit na to. Marami ding nakakakita na biglaan nalang tatagos ang bata sa unit na to" seryosong kwento ni Aron
Napaatras naman ako at nasagi ko sa balikat si Ian dahilan para mapatingin sya sakin.
Napaiwas nalang ako nang tingin. Dahil medyo natakot ako sa kwento ni Aron."T-talaga? S-seryoso ba yan?" takot na tanong ni Jo
Tumango tango naman si Aron
"May narinig nga din ako. na meron din daw na babaeng nagmumulto sa unit na to. Naalala ko nga nung isang gabi na dumaan ako dito, May pinapabigay kasi si mama kay ate kaya ako ang naghatid. Nasa malayo palang ako may nakita na akong babae na nakatayo sa tapat ng pinto nila. Ang akala ko nga si Lyka lang dahil mahaba din ang buhok. Syempre lumapit ako, Tas nagulat ako kasi sarado yung pinto. Walang tao sa loob. tas tinanong ko yung babae syempre natakot ako eh. Sabi ko--" pabitin ni renz
"Ano? A-ano tinanong mo?" seryosong tanong ni jo
Lahat naman kami nakatingin sa kanya at inaantay ang kadugtong ng sasabihin nya.
Lumapit naman sya para madinig namin.
"Sabi ko.. Anong shampoo mo ghorl!! Ganda nang hair mo sana ol shining shimering ang hairlaluu!! " sagot nito sabay awrang bakla
Pinagbabatukan naman namin sya sa inis
"ARAY ! ARAY ! HOY TAMA NA SUMUSOBRA NA KAYO AH!!! " reklamo ni renz ng di namin sya tinigilan
"PUNYETA KA. KALA KO TOTOO NAMAN GAGO!" inis na sigaw ko sabay hampas muli sa kanya
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAH" malakas na tawa netong lalaking katabi ko kaya lahat kami napalingon sa kanya
"P-pasensya na.. natawa lang ako" naiilang na sabi ni Ian habang kakamot kamot sa ulo
Nasa ganon kaming sitwasyon ng magkakuryente na ulit.
"Woooooooh!! May ilaw na din!" sigaw ni Jo "Oh tama na yang kwentuhang pangkalokohan na yan. Continue"
Naupo nalang ako ng maayos at nagsalin muli sa baso ko ng wine.
"Iba nalang laruin natin." aya ni aron sabay paikot nang bote sa gitna namin "Spin the bottle. Alam nyo naman na siguro kung pano to lalaruin diba? Pag tumapat sayo yung nguso ng bote ikaw ang uutusan at ang pwetan naman ng bote kung kanino tumapat sya ang mag-uutos. Game?"
"GAME!!" sigaw naming lahat.
Si aron ang unang nagpaikot nang bote.
Ilang sandali lang huminto sa tapat ni Renz ang nguso ng bote at ang pwetan naman ay tumutok kay Reid
YOU ARE READING
Take Me To Your Paradise (COMPLETED)
Storie d'amoreIn a tale of love, redemption, and unlikely connections, Rein, a woman harboring wounds from past relationships, crosses paths with Ian, a homeless man in need of compassion and support. Moved by empathy, Rein and Ian's paths intertwine as she, alon...