"Andyan yung towel hehe. Ligo ka mabuti, Kumpleto yung sabon dyan" nakangiting sabi ni jo
Napangiti naman si Ian at sumunod sa sinabi nya
Napairap naman ako at pilit inaalis yung inis ko.
"Beb. galit ka pa din ba? Sorry na" panunuyo sakin ni jo kanina ko pa sya di pinapansin.
Pano ba naman kasi..
Throwback.
"Ikaw nalang ba mag-isa? Asan na family mo?" tanong ni jo dito sa lalaking kaharap namin.
Andito na kami ngayon sa fave resto namin ni jo. Dito namin sya dinala dahil medyo malapit to
Napatingin naman sa kanya tong lalaking pulubi na to "Wala na.. 13 yrs old ako ng mamatay si mama tas si papa dalawang taon palang ang nakakalipas simula nung namatay sya" malungkot na sagot nya
"I'm sorry.." malungkot ding sabi ni jo
Ngumiti naman yung lalaki tsaka tumango
"Ano palang pangalan mo tsaka ilang taon kana?" tanong na naman nyang muli
Yung totoo? Bat interesado ka?
"Ian, 25 na ko." sagot naman nito
Tumango tango naman siya at pinanuod na kumain muli etong si ian pala ang pangalan
Hindi na kami umorder ni jo. dahil busog pa naman kami
Ilang sandali lang natapos na syang kumain.
Buti naman dahil uwing uwi na ko."Ma'm maraming salamat po. " pasasalamat nito tumango naman si jo ganun na din ako
Palabas na kami ng magtanong ulit si jo. "San kana nyan?"
"Dyan lang po. Kahit saan" sagot nito tsaka naglakad "Salamat po ulit"
Papunta na kami ngayon ni jo sa sasakyan ng biglang bumuhos ang malakas na ulan.
Agad akong nagmadaling pumasok sa sasakyan ko.
Naweirduhan naman ako kay Jo dahil napahinto sya.
Srsly? Gusto nya ba maligo sa ulan?"Hoy ano?! Magpapakabasa ka ba dyan?! Pumasok kana!" suway ko sa kanya
Dahan dahan naman nyang binuksan yung pinto "Ano? bat nagpapakabasa ka?!" inis na tanong ko
Napalingon ulit sya sa kung saan bago magsalita "Kawawa naman si Ian. " ani nito
Napataas naman yung kilay ko at tinignan yung tinitignan nya
Nakita ko dun si Ian na pilit na nagtatago sa isang malaking puno para di mabasa kaso. Nababasa pa din sya dahil sobrang lakas ng ulan.
"Psh. Hayaan mo na sya kaya na nya yan! Matanda na yan. Dalian mo!" sigaw kong muli dahil basang basa na sya at hindi pa din sya pumapasok
"Tulungan natin sya please rein" pakikiusap nito sakin
Napataas naman yung kilay ko "Panong tulong? Bibili ng bahay?" sarkastiko kong tanong dahil naiinis na ko
"Hindi ka ba naaawa sa kanya? Kawawa naman sya. Di ba sabi satin nila mama at tita na pag may taong nangangailangan ng tulong hanggat kaya nating tumulong gagawin natin? Ang hirap ng sitwasyon nya. Wala na syang family, Tas nasa kalsada pa sya ngayon." malungkot na sabi nya
Napapikit nalang ako sa inis "So? anong gusto mong mangyari?"
"Patirahin natin sya sa condo" sagot nito. Halos walang kurap ko syang tinitigan "Seryoso ka ba sa sinasabi mo jo? Magpapatira tayo ng di natin kilala sa condo? Pano pala kung masamang loob yan? Magnanakaw? o Mamamatay tao?" tanong ko
YOU ARE READING
Take Me To Your Paradise (COMPLETED)
RomantikIn a tale of love, redemption, and unlikely connections, Rein, a woman harboring wounds from past relationships, crosses paths with Ian, a homeless man in need of compassion and support. Moved by empathy, Rein and Ian's paths intertwine as she, alon...