CHAPTER 4

771 22 1
                                    

“Why did you let him kissed me?!” Naiinis na tanong ni Cyra sa mga kaibigan habang bumababa ng bangka.


“Duh, kunwari ka pang babae ka. We all know here that you wanted to taste his lips.” Roxanne


Tumigil sa pagmamartsa si Cyra saka hinarap ang dalawa. “Shut up.”


Nagkibit-balikat lamang si Ellen samantalang umakto naman si Roxanne na nizipper ang bibig. Muling tumalikod si Cyra saka dumiretso sa kaniyang kwarto. Dumiretso siya sa banyo kung saan bumulaga agad sa kaniya ang malaking salamin. Mas lumapit pa siya roon saka pinakatitigan ang sarili. Habang tumatagal ay napapansin niya ang pamumula ng mga pisngi niya lalo na nang bumaba ang kaniyang tingin sa mga labi niya.



Damn. I’ve been kissed.


It was not the first time but she just felt like her first and ultimate kiss was stolen by someone. Bakit ba humaling na humaling siya sa lalaking iyon? What’s with him? And what is wrong with her?


“Gosh.”



Few hours later...

“Shit. For serious?!”

Tutok silang tatlo sa harap ng laptop ni Cyra dahil abala ang mga ito sa pag-iimbestiga tungkol doon sa lalaki. Nasa gitna naman si Cyra na hindi rin maalis ang mga mata sa harap ng screen.


“Tanga. Bakit mo naman kasi kinalimutan? ‘Yon na ‘yon, e! Nagpapakilala na sa’yo kahit hindi mo naman tinatanong, bakit kinalimutan mo pa?!” Inis na inis sa kaniya ang kaibigang si Roxanne.



“Damn it. Will you shut up and just try it again?”


“Try niyo nalang i-search sa google, palagay ko mas madali roon.” Suhestiyon ni Ellen na ikinatahimik nilang dalawa.

Roxanne went to the website and they both stared at their friend who just suggested.


“Oh, tapos?”

Ellen rolled her eyes and ate her chips. “Titigan niyo, lalabas ‘yan.”

“Stupid. Search ‘captain of Philippine Navy’” aniya

Roxanne mouthed ‘oh’ and began to type in the search box. Umalis naman saglit si Cyra upang kumuha ng maiinom. Pagbalik niya’y nanlalaki na ang mga mata ng kaniyang mga kaibigan na para bang manghang-mangha ang mga ito. Dali-dali siyang bumalik sa kama saka pinagitnaan ang dalawa.


“Captain Ashen Andwesta, the youngest Captain of Philippine Navy. He’s 29 years old and a—


“BACHELOR! Omg!” Roxanne cut Ellen


Cyra stiffened and stared on the screen in front of her. Is this true? Single ang lalaking iyon?

“Cy! Girl! Ang swerte mo!”

“Shush! Manahimik nga kayong dalawa.” Saway sa kanila ni Ellen.


Sa kanilang tatlo’y ito ang pinakamaingat kumilos, mahinhin din madalas habang si Roxanne naman ang palaging maingay sa kanila at mahilig tumili. Siya naman iyong masungit sa grupo pero maraming nahuhumaling na lalaki. Prangka rin siya at madalas na makakuha ng kaaway dahil sa bibig niyang walang preno kung minsan.


Ellen continued reading. “A salary of Php. 56, 582.00 every month. Yayaman ka lalo nito, Cy.”


Hindi iyon pinansin ni Cyra dahil kahit maluho siya kailanma’y hindi siya naghabol ng tao para lamang sa pera.


Dive DeepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon