"Captain."
Sumaludo kay Ashen ang sundalong tumawag sa kanilang barko. May mga nakaatang sa kanila ngayon na inspeksyunin at magpatrolya sa mga karatig na pook ng karagatan. Kagabi pag-alis niya ng malaking barko'y ito ang kaniyang tinungo.
"Ano ang mga bagay na 'to?" Tanong niya nang makita ang mga lumulutang na kagamitan. Mayroong isang kahon na Styro na wala ng laman. May mga tirador, damit, porselas na yari lamang sa goma at kung ano-ano pang ipinagpalagay nilang wala namang saysay.
"Alas-syete ng madako kami rito pero wala na kaming naabutan. Wala ring bangka o tao. Nahiwagaan kami sa lugar na ito kaya nagdesisyon kaming tawagan ka po, Captain."
Ashen wandered his eyes around but there were no shores nearby or a place where people could possibly rest. Then, how did these things came here?
"Nakasisiguro ba kayong walang tao rito?"
Malayo na ito sa Isla Arevalo at mas lalong malayo na rin ito sa kanilang barko. Hindi na nga nila matanaw ang kanilang pandagat na sasakyan magmula nang lumiko sila kanina sa isang bangin upang abutan ito.
"Malaki ang posibilidad na inanod ang mga ito, Captain pero-
"Captain! Captain!"
Kapwa sila napalingon sa kasamahang may nasilo na isang itim na bag. Iminosyon niya ang isang kasama na imaneho ang bangka nila palapit doon sa sundalo. Nakasakay siya sa bangka kung saan tatlo lamang silang magkakasama samantala sa isa naman ay lima. They came nearer to the scene where the bag was found.
"Open it." Utos niya
Ginawa ng sundalo ang sabi niya at nagkatinginan sila nang makita ang laman niyon.
"Jump!"
"Talon na!"
It's a bomb ticking only seconds before it went to a huge blast. The explosion created a big sound under the water.
Natapon pa naman ang bomba ngunit hindi na ganoon kalayo. At dahil inflatable boats lamang ang kanilang ginamit, hindi kumalat ang pagsabog niyon gayunpaman tumaob ang kanilang mga bangka. Bubbles underwater formed.
Umahon sina Ashen sa kalmado ng dagat saka kinuha qng waterproof nilang radyo at doon nagsalita. Madilim ang paligid subalit sa tulong ng kanilang mga pang-ilaw nakikita nila ang bawat isa.
"This is Captain Andwesta, send us two boats and a medical team. Do you copy?"
["Copy, Sir."]
Pagkatapos ay lumingon siya sa mga kasamahan. Nagkalat sila sa kaniya-kaniyang tinalunan at nang mapansing kulang sila ng isa doon siya umalma.
"Nasaan si Sergeant de Villa?"
Umahon ang sundalo ngunit bakas sa mukha nito ang sakit na iniinda sa kaniyang braso.

BINABASA MO ANG
Dive Deep
General FictionThe Navy: Captain Ashen Andwesta (CAPTAIN SERIES 3) Ashen Andwesta, a young Captain of the Philippine Navy, labelled as the greatest playboy of his high school journey got his exceeding standard for girls. A man who had highly educated girlfriends w...