CHAPTER 46

462 14 0
                                    

Naging pabalik-balik si Ashen sa kanyang trabaho dahil sa dami ng kailangan niyang asikasuhin. Ilang araw na rin silang hindi madalas mag-usap ni Cyra sapagkat tuwing umuuwi siya sa gabi ay tulog na ito o kung sa umaga naman ay mas huli na itong magising sa kanya. He doesn't get mad for that thing because he understands her situation. Ayaw din niyang sabayan ang madalas na inis nito subalit may mga araw talaga na palagi na silang nagtatalo dahil na rin sa katigasan ng ulo ni Cyra. Sa kabila niyon ay napag-uusapan pa rin nila ang mga bagay-bagay.




"Babe."




It's his room but he needed to knock because that is Cyra's condition for him. Today he step out of work early with the good news bringing to her wife.




"Our maritime exercise will be moved the second week of the next month."




After their wedding he would still have three days to spend with her, then he will progress to their activity which will last for one month. Isang buwan din niyang hindi makikita si Cyra at ngayon palang ay labis na ang pag-aalala niya. Ngunit ipinangako rin niya na pagkatapos ng isang buwan na iyon ay aalis muna siya ng trabaho upang mas higit na maalagaan at mabantayan si Cyra maging ang magiging anak nila. This day also is their schedule to visit the island again where they would have their wedding. As well, excitement is all over his body.




"Babe-




"Sir, salamat naman po at nandito na kayo."




Dumapo ang kaba at pangamba kay Ashen nang mapansin niya ang umuutal na boses ng kanilang kasambahay.




"Hindi ho namin kayo makontak kanina pa. Si ma'am Cyra ho dinala sa hospital. Kasama-




Hindi na niya napatapos pa ang sinasabi nang kasambahay dahil mabilis na siyang tumakbo pababa at palabas ng kanilang bahay. Mabuti na lamang at nasa labas pa ang kotse niya kaya hindi na siya nahirapan pang ilabas iyon. Naging mabilis din ang pagmamaneho niya bagamat sa nanlalamig at nanginginig niyang mga kamay.




Pagdating niya sa hospital ay nagtanong agad siya sa nurse.




"Cyra Arevalo."




"Nasa emergency room po siya Sir." turan nito




"Fuck."




Ashen run again towards the emergency room. Maliit na bagay lang sa kanya ang pagtakbo dahil sanay na siya roon pero ngayon ay tila hinang-hina siya. Humihingal din siyang dumating sa tapat ng kwartong iyon at sa labas ay naabutan niya ang kanyang ina at kapatid.




"Kuya!"




"Son, come here."




Halos hindi na humakbang ang mga paa niya palapit sa nanay niya. Natatakot siya sa posibilidad na baka sobrang lala na nga ng kalagayan ni Cyra. Bukod sa ibang bagay, ito na ang kanyang pinakakahinaan ngayon.




"A-Ano ang lagay niya?"




"She was in severe pain a while ago, kaya dinala agad namin siya ng hospital. Hindi ka rin namin matawagan kanina."




"How is she?" Tiningnan niya ang kapatid, "Veronica, what were you doing? Hindi ba sabi ko bantayan mo siya? Do not let her touch stuffs!" tumaas ang kanyang boses




"Ashen, huwag mong pagalitan ang kapatid mo. Your wife was just watering the flowers and we heard her screaming like hell. She was gripping her chest so hard and she barely breathes. Hanggang kailan ba ninyong balak patagalin ito?" nagsimula na ring magalit ang ina niya




Dive DeepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon