CHAPTER 41

497 15 0
                                    

"Hindi ko pa rin makalimutan ang ginawa mo sa anak mo, Mr. Arevalo. Pumayag ka na magpakasal sila ni Lacsamana kapalit ng kompanyang matagal mo ng pinamamahalaan. But I'm glad, hindi kayo nagtagumpay."




Naroon na si Ashen ngayon sa opisina ng matanda. He visited his company and he can say that it's still running fine amidst what happened.




"I remember you, Mr. Andwesta."




"It doesn't matter." Nakipagsukatan siya ng tingin dito. Batid niyang dapat ay igalang niya iyong matanda subalit pinangungunahan pa rin siya ngayon ng galit. Marami na itong nagawa na ikinasira lamang ni Cyra at hindi na niya hahayaan pang dagdagan pa ito niyon. "My dad's ready to file a complaint against you for illegaly having the island that is not yours to begin with. But I took care of it, temporarily. My father has a temper and I want to make a deal with you before the worse thing comes."




Tinaasan lamang siya ng kilay ng nito.




"What do you say Mr. Arevalo?" He asked




Napabuntong-hininga ang kanyang kausap. "What is it?"




Napaayos naman siya ng upo. "Your daughter."




Mabilis na kumunot ang noo ng matanda saka tumayo ito. "Haharapin ko ang ama mo, Mr. Andwesta. Leave my daughter alone."




Bumigat ang paghinga ni Ashen. Unti-unti ring dumilim ang kanyang mukha. That means only one thing for him.




"So, you really know her location?"




Hindi agad nakasagot ang matanda. Pansin din ni Ashen ang paglunok ng sariling laway nito. At that point, Ashen handed out a flashdrive on the table in between of them.




"I'm giving you a card. Ayaw mo ng matali sa pamilya ng mga Lacsamana, hindi ba?" He then lowered his body as he slowly set a motion to the flashdrive onto the man. "Here. All illegal transactions of their business are saved in this file. You can use it against them in case."




Tila naman nagulat ang kausap niya. Nanlalaki pa rin ang mga mata nitong nakatingin doon sa bagay na kanyang ibinigay. Nang akmang kukunin na ito ng lalaki ay agad niya itong binawi kaya't umangat ang tingin nito sa kanya.




"Only if I'm satisfied with your answers."




"My answers?"




He nodded as he kept the flashdrive on his chest pocket again. "Nasaan si Cyra? Ano'ng nangyari sa kanya? Bakit nagtatago siya? Did you locked her up?"




"I did not lock her up." Madiin nitong sagot. "She ran away on her own will."




His eyebrows furrowed. "Her own will? We're fine, why would she ran away-




"You are, but she's not." Makahulugang tugon ng matanda




He was even more confused. "What exactly are you saying?"




Tumayo ang matanda saka nagtungo ito sa mesa. Kumuha ito ng ballpen saka kapirasong papel at doon ay may isinulat. Hindi nagtagal, bumalik ito sa kanya saka inilapag sa mesa ang bagay na isinulat.




"That is her mother's address. Naroon siya ngayon kung gusto mo siyang makita, but I doubt if she'll come to you."




Nakapako lamang ang mga mata ni Ashen sa papel na naroon sa kanyang harap. Ni hindi niya magawang kumilos. Ngayong naroon na sa harap niya ang bagay na hinihintay niya ay doon naman siya dinapuan ng kaba.




Dive DeepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon