CHAPTER 29

579 12 1
                                        

"Ako." She briefly answered





The woman, Nicelle suddenly laughed.





"Oh my gosh." Maarteng saad nito. "Are you being serious?" Tanong nito habang magkalandas ang mga kamay sa dibdib





"Kung naintindihan ng maliit mong utak hindi ko na kailangang ulitin pa."





Bakas ang pag-iiba ng anyo ng babae dahil sa sinabi niya. She will tolerate if the woman would only insult her but not the people who are clueless of the woman's real insolence.





"What did you just say?! Hindi mo ba kilala ang kinakausap mo?" Salubong na salubong ang mga kilay nito at tila gusto ng manakit sa galit.





Cyra sneered to upset her more. "I don't waste time knowing futile people."





"Sumusobra na 'yang bibig mo."





Tumaas lang sa ere ang mga mga mata niya saka maarteng nilingon si Aiza.





"Aiza, pakikuha naman ng cap sa ulo niya. Akin pa rin 'yon kahit narito na siya." Saad niya na ang tinutukoy ay ang kasabay sa kaniyang uniporme





Hindi naman nagdalawang isip ang kaniyang katabi. Nagtungo agad ito sa babae na hindi rin nag-atubiling kunin ang chef cap niya. Inilagay ito ni Aiza sa kaniyang ulo kaya't napangisi siya nang makita ang reaksyon ng babae.





"The crown is still mine."





Humakbang ang babae patungo sa kaniya saka hinablot ang nasa ulo na niya.





"This is mine. This was first mine. You were here as my substitute. Ang kapal mong magreyna-reynahan dito."





Tumaas ang kilay niya saka hinablot din ang hawak nito.





"Kaya nga, umalis ka 'di ba? That mean's this is mine now."





"Huh! As far as I can remember, ilang days nalang ang natitira mo sa barkong ito kaya okay." Nicelle crossed her arms again. "Sa'yo na muna 'yan but on the other hand, you can take it for good. Hindi ako sanay na gamitin ang mga bagay na pinaglumaan na ng iba."





Cyra was left with the others. She handed the cap to Aiza and then left the kitchen area. Habang pabalik sa kaniyang kwarto hindi maiwasang sumagi sa kaniya ang imahe at awra ng babae.





Is she a threat? That childish brat can never be.




Pagkapasok niya ng silid dumiretso siya sa banyo saka naghugas ng kamay at naghilamos. While wiping her hands, her phone vibrated and it was a call coming from her friend, Ellen.




["Something exciting is coming up!"] may sabik sa boses ng kaniyang kaibigan





"And that is?" Dinig pa niya ang paghagikhik nito




["We're going there with my boyfriend. I want you to meet him."]




"Wow, that's really a news." She answered as she get out of the bathroom. "Anyway, nakapagmove-on kana pala sa ex mo? Congratulations."




["Of course! Sino ba naman siya para paglaanan ko pa ng oras ko. He wasted a woman like me, pagsisisihan niya iyon balang-araw. By the way, we're going there tomorrow."]





Dive DeepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon