"And we met again."
Saglit na dumako ang mga mata ni Ashen sa mga kasamahan nitong sundalo bago siya muling humarap sa dalaga.
"They're here to eat and your resort will undergo an inspection."
Iminosyon niya ang mga kasamahan na tumuloy na ito sa isla na siyang ginawa naman ng mga sundalo. Nagdulot naman ito ng alarma kay Cyra kaya mabilis niyang hinarang ang kapitan na tutuloy na rin sana.
"Wait."
Tumama ang kaniyang palad sa matigas nitong dibdib. Tunay ngang matipuno ang lalaki at batid niyang mas maganda pa ang itinatago nito sa likod ng unipormeng iyon. Mabilis niyang inihiwalay ang kaniyang kamay sa binata saka nagpatuloy sa pagsasalita.
"You are disturbing my visitors and the whole place! Nasaan ang memo ninyo?"
Hindi iniwan ng lalaki ang mga mata ng dalaga. Masyado itong matapang, palaging pasugod, at mukhang wala ring ibang kinikilala, ibang-iba sa mga babaeng nakasalamuha't nakasama niya noon.
"Sergeant." He called without breaking his eye contact with her.
Inabot sa kaniya ng sundalo ang papel na hawak nito saka niya binuka sa harap ng babae.
"You know how to read, right, Ms. Arevalo?"
Labis-labis ang inis na nadarama naman ngayon ni Cyra. Pakiramdam niya'y palagi siyang iniinsulto ng lalaki, bagay na hindi katanggap-tanggap para sa kaniya.
"Antipatiko." Sambit niya at alam niyang narinig iyon ng kaniyang kaharap.
"I can hear you, Ms. Arevalo."
"Alam ko, ano naman ngayon?" pagsusungit niya.
Instead of firing her back again, Ashen instructed his men to proceed. The soldiers moved and wandered around the vicinity until they arrived at a restaurant which emptied after they came.
"Look what you're doing, you're scaring my customers!"
Nakasunod pa rin si Cyra sa kapitan at mas nadaragdan lamang ang kaniyang inis dahil hindi naman siya nito pinapansin. She was never rejected before but this? This man is stepping over her pride.
"Captain! I'm talking to you. You should have told me prior to this inspection nang sa gano'n napaliwanag ko naman sa mga tao ko. Are you that reckless?!"
Cyra halted when the man suddenly faced her.
"I hope you read the memorandum, Ms. Arevalo. And one more thing, we're not here to shove your customers away. I reserved the whole restaurant for us that explains why they're leaving. May sasabihin ka pa?"
It shut her up. Nirentahan ng lalaki ang buong lugar? Kaya ba umaalis ang mga turista nilang kumakain doon? Pero kakapasok lang nito kanina, paano nito iyon nagawa? Should she be impressed again?
"Bakit hindi ko alam 'to?" She didn't know about his reservation
The man smiled shortly, "'Yan din ang tanong ko, Ms. Arevalo." Saka siya nito tinalikuran.

BINABASA MO ANG
Dive Deep
General FictionThe Navy: Captain Ashen Andwesta (CAPTAIN SERIES 3) Ashen Andwesta, a young Captain of the Philippine Navy, labelled as the greatest playboy of his high school journey got his exceeding standard for girls. A man who had highly educated girlfriends w...