"Captain, kailangan na raw nating bumalik sa barko."
Pasakay palang si Ashen sa isang M151 army vehicle nang tawagin siya ng kasamahang sundalo.
"Susunod nalang ako. I just need to go somewhere."
After dealing with Bob, Ashen planned to visit his girlfriend. Kanina'y hindi ito magising kahit anong tawag niya kaya naman nag-alala siya ng husto.
"Captain!"
Isang tawag ang muling kumuha ng atensyon niya. Lumapit pa ang isang sundalo na may dalawang telepono para sa kaniya. "Si Rear Admiral."
Wala siyang nagawa kung hindi ang kunin ang telepono rito.
["I need you to be back here as soon as possible."]
"I will. Dadaan lang ho ako ng hospital."
["What? Why? Hawak na ng medical team natin ang mga sugatang sundalo."]
"I will check Ms. Arevalo." He cut the chase.
["Ms. Arevalo? You mean the victim of kidnapping?"]
He heaved a sigh. "Yes, Sir. And she's my girlfriend."
Matagal na hindi nagsalita ang kausap niya hanggang sa muli niyang marinig ang boses nito. ["I'll be giving you 30 minutes then."]
After that, the call was cut. Ibinalik niya ang telepono sa kasama at pagkatapos niyon ay dumiretso na rin siya sa kanyang sasakyan saka pinahururot iyon patungo sa hospital. Matapos ang ilang minutong pagmamaneho, bumungad siya sa information desk. He was a head-turner the moment he stepped on the place.
"Cyra Arevalo."
"Ahmm... Kaano-ano po kayo Sir?" The girl asked in her cute tone.
"Boyfriend. Kailangan ko ang room number niya."
Umiba naman ang mukha ng babae. Mula sa pagiging masigla ng mukha nito naging busangot iyon. "Room 109 po."
"Thanks." He answered shortly
Malalaki ang kanyang hakbang nang suyurin ang bawat numero ng kwartong madaanan. At tila kumalma naman ang puso niya matapos marating ang sadyang kwarto. Binuksan niya ang pinto subalit muling umangat ang mga mata niya sa numerong nakasulat sa harap niyon.
He went to the exact room... but why is it empty?
Kahit na walang bakas ng tao sa kwartong iyon ay pumasok pa rin siya. Tiningnan niya ang bawat sulok ng lugar ngunit wala siyang matagpuan na bagay na makapagsasabing doon nga ang naging silid ng kanyang kasintahan. It was just the bed sheets that were crumbled, windows that were open and the same with the door in the bathroom. Ang mga upuan at lamesa ay tila wala rin sa maayos na pwesto nito.
"Fuck." He mumbled while frustatingly running his fingers to his hair.
He was in that state when a nurse came in. Bahagya pa itong nagulat nang makita niya.
"Sir-
"Sino ang pasyente rito?" Agad niyang tanong
"S-Si Ms. Cyra Arevalo ho."
Mabilis na pumintig ang puso ni Ashen. Mas matindi ang kabang nararamdaman niya ngayon kumpara sa mga naging engkwentro niya kanina.
"Nasaan siya?" Tanong niya sa waring 'di na malunok na laway
"Umalis na ho."
Pikit-matang napatingala siya. Hindi mapakali ang kanyang damdamin kaya nang wala na siyang kailanganin sa loob, tinahak naman niya ang labas ng kwarto. Pinuntahan ulit niya ang information desk ng hospital habang patuloy sa pagdial ng numero ni Cyra sa kanyang selpon.
"Answer the phone-damn it!" Pinanggigilan niya ang bagay na iyon nang makitang hindi pa rin sumasagot ang dalaga. "Excuse me, can you double check the room of Cyra Arevalo?"
"Yes Sir, saglit lang po."
Humarap ang babae sa kompyuter saka roon naghanap nang pangalan. "Sir, 109 po talaga siya. Wala na pong iba, pero kakasabi lang ho sa amin ni doc. Nadischarged na ho siya kani-kanina lang."
"Sino ang doktor na humawak sa kanya?"
Nagtaka naman ang babae, gayunpaman tumingin pa rin ito sa kompyuter. "Si Doc Mariano ho."
"Saan ko siya pwedeng makita?" He asked while taking out something on his pocket
"May operation ho sila ngayon. Kung gusto mo Sir, hintayin mo nalang po siya-
"Here, sabihan mo nalang na tawagan ako right after his duty."
Tumango-tango ang babae habang kumikislap ang mga mata at inaabot ang ibinigay niyang papel. "Y-Yes Sir. Sasabihin ko po."
Hindi na siya nagtagal pa roon. Minaneho muli niya ang sasakyan hanggang sa makarating siya ng Pier Arevalo. Nang makababa roon, sinubukan niya ulit tawagan ang kasintahan ngunit nakapatay na ang selpon nito.
"Fuck."
He continued promenading to the motorboat while soldiers assisted him. Bale tatlong pangkat sila na naglayag sa dagat patungo sa kanilang barko. Sa ngayon, mas pinili muna niyang bumalik sa karagatan sa pag-iisip na baka naroon na ulit si Cyra sa kanilang isla. Magiging mapanganib kung babalik agad ito roon kaya kinailangan niyang siya ang magmaneho ng bangka.
"Captain bawal tayong magtungo ng isla, delikado pa ho." Saad ng kanyang sundalo matapos mapansin ang paglilihis niya ng direksyon
["Captain kailangan nating bumalik ng barko, iyon ang utos ng Admiral. Do you hear me Captain?"] Tunog ng kanyang radyo
"Sir."
"Fuck off!" Ashen growled when someone tried to touch him. Nagpatuloy lang siya sa mabilis na pagmamaneho ng bangka.
He needs to find her.
["Captain! What the heck are you doing?! Umatras kayo ngayon din."] His Admiral warned
"Hindi kami aatras, Sir." Matapang niyang sagot
Naputol ang kanilang pag-uusap. Maya-maya lang ay natanaw na ni Ashen ang isla ngunit gayun na lamang ang kanyang galit nang may humarang sa kanyang tatlo pang bangka. Hindi niya iyon namalayan kanina marahil sa bilis ng pagpapatakbo niya kanina.
Then his device made a sound again.
["Pull off or I'll dismiss you, Captain Andwesta."] That was a voice from his commander
Sunud-sunod na mura ang kanyang pinakawalan. Humigpit ang hawak niya sa manibela ng bangka, ganoon din sa kanyang baril.
["Hindi lang ang mga sibilyan ang nanganganib sa islang iyan, maging ang mga sundalo natin Captain. Kaya huwag kang kikilos ng hindi pinag-iisipan. I am so disappointed in you right now."]
Napahinga si Ashen ng malalim. Muling umangat ang kanyang ulo sa nasisilayan ng isla, tila ba napakatahimik nito.
"Cyra Arevalo, the owner of that island and my girlfriend. She's nowhere to be found."
["Alam mo ang batas natin Captain Andwesta, at alam mo rin na sa sinumpaan mong propesyon- bansa at ang kaligtasan ng mamamayan ang uunahin mo. Not your personal life, kaya huwag mong hahayaan na pangunahan ka ng emosyon mo."]
He cursed again. ["Sir, she's been kidnapped! And she's-
["Comeback here, mark my words Captain."]
The call went dead again and with that, his anger rose even more. Sinuntok niya ang manibela ng bangkang minamaneho.

BINABASA MO ANG
Dive Deep
General FictionThe Navy: Captain Ashen Andwesta (CAPTAIN SERIES 3) Ashen Andwesta, a young Captain of the Philippine Navy, labelled as the greatest playboy of his high school journey got his exceeding standard for girls. A man who had highly educated girlfriends w...