CHAPTER 42

632 19 0
                                        

"Excuse me ma'am."




Kanina pa si Ashen pakalat-kalat sa isang resort na itinuro sa kanya ng isang babae kanina ngunit hindi pa rin niya matagpuan ang sinadya. Nang paalis na sana siya'y mayroon namang bumaba sa hagdan na galing lamang sa bahay na katapat niya. Muli siyang napatingin sa kanyang selpon nang mapagtanto kung sino ang nasa harap.




"Bakit? May hinahanap ka ba?"




"Kayo ho ba si Ms. Cynthia Jalmasco-Arevalo?"




Napansin niyang tila natigilan ang kanyang kaharap subalit hindi naglaon ay nagawa pa rin nitong ngumiti saka sumagot sa kanya.




"Ako nga, Cynthia Jalmasco. Bakit?"




May kung anong tinik na natanggal sa dibdib ni Ashen nang makumpirma ang kanyang hinahanap.




"I'm looking for Cyra Arevalo, your daughter."




"Ano'ng kaugnayan mo sa anak ko?"




Ashen smiled. "I'm his boyfriend."




Bakas ang pagkagulat sa mukha ng ginang, sapagkat hindi rin nito batid na may kasintahan na pala ang kanyang anak at hindi ito ipinapakilala sa kanya.




"Halika, narito siya sa loob."




Isang sinserong ngiti ang ipinakita ni Ashen sa ginang. Umakyat nga sila ng hagdan, sa pagtuntong niya roon ay may maliit na berdeng hardin na ginagawa pang makulay ng mga nakapalibot na bulaklak. Mayroon ding upuan at mesa na maaaring paglipasan ng oras. Ang bahay na nasa harap niya ngayo'y yari sa mga mamahaling kahoy na pinalamutian din ng mga halaman.




"Tuloy ka. Tatawagin ko lang siya."




Simple lamang iyon kung titingnan subalit nang makapasok siya'y mas lalo pa siyang namangha sa loob. Presko ang hangin, napakalinis, at ang payapang tingnan ng tahanang iyon. Naupo siya sa silyang yari sa kawayan na binarnisan, malambot iyon dahil sa mga unan na nakalagay. Habang siya'y naghihintay, nilibot lamang niya ang mga mata sa loob ng bahay nina Cyra. Akala niya'y naghihirap ang pamilya nito sa probinsiya ngunit sa nakikita niya ngayo'y hindi pala.




Samantala, halos lumabas na ang puso ni Cyra sa kanyang dibdib dahil sa bilis at lakas ng pintig nito. Tama ba ang naririnig niya?




"W-What are you saying mom?"



Her mother smiled. "Hindi mo naman kinuwento sa akin na may boyfriend kana pala. Hindi mo rin sinabing darating siya. Naroon siya ngayon sa sala, hinihintay ka."




Lumipat ang tingin ni Cyra sa kanyang kaibigan na gulat din ngayon.




"Fuck." She cursed. "Tell him I'm not here, na umalis na ako-




"Cyra ano ba?! Harapin mo na 'yong tao! Magpaliwanag ka naman hindi iyong basta mo nalang iiwan sa ere ang mga nag-aalala sa'yo. Kung nahihirapan ka, nahihirapan din kami kasi hindi namin matanggap!" singhal ng kaibigan niya dahilan upang matauhan siya




Hindi agad siya nakaimik hanggang sa lumapit ang kanyang ina sa kanya.




"Hindi ba alam ng boyfriend mo ang kalagayan mo, Cyra? Huwag ka sa'king magsisinungaling."




Nahimigan niya ang seryosong tono ng kanyang ina kaya't wala siyang nagawa kun'di tumayo at tahakin ang labas ng kwarto niya. Palapit siya ng palapit sa sala at ang puso naman niya'y hindi na mapakali. Nanlalamig ang mga kamay niyang nakakuyom ngayon, hindi dahil sa galit kung hindi dahil hindi niya alam ang gagawin sa oras na makaharap ito.




Dive DeepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon