Weeks have passed but Ashen did not mention anything to Cyra. Though he tried to encourage her to get treated but the woman is in no doubt of having their child being born first before her therapies.
"Are you sure you'll be okay?"
"Oo nga. I'm just going to watch some movies so, don't worry."
Ngayong araw magtatapos ang suspensiyon ni Ashen sa kanyang trabaho kaya't magtutungo siya sa kanilang headquarters upang makiusap at mapahaba pa ang pagliban niya. Kakatagpuin din niya ang kaibigang si Gerald. Bumaba siya upang halikan ang ulo ng minamahal niya. Abala ito sa pinapanood doon sa laptop niya kaya hindi na niya kinulit pa. Sa mga araw na nagsasama sila mas napapansin niya ang pagiging maputla nito at ang madalas ding panghihina ng babae. Masakit para sa kanya na makita ito sa ganoong sitwasyon subalit wala rin siyang pagpipilian kun'di ang ipakita kay Cyra na malakas siya upang hindi ito panghinaan ng loob.
"Alright. Aalis na ako, babalik ako before dinner. Are you craving for something?"
Umangat ang ulo ni Cyra upang tingnan ang kasintahan niya. Napakapalad niyang makatagpo ng lalaking katulad ng nasa harap niya ngayon, walang iba kung hindi ang nag-iisang Ashen Andwesta. Sa pakiwari niyang sama ng kanyang ugali ay hindi niya inaasahang mayroong lalaking magmamahal sa kanya ng lubus-lubos.
"I'm okay. Lahat naman ng dalhin mo kakainin ko."
They laughed together. Sa kabila ng sakit niya ay hindi siya naging maselan sa pagbubuntis at maging sa paglilihi. Hindi niya alam kung dahil isang buwan palang ang kanyang tiyan o baka dahil naapektuhan na rin ito ng kanyang karamdaman.
"Veronica is just in her room, you can call her anytime that you're feeling unwell. Binilin na rin kita sa mga kasambahay, they will assist you in everything and please... promise me that you will not do anything foolish Cyra."
"Yes my husband. I will be very nice so have some peace on your mind and deal with your own matters. Huwag mo akong masyadong alalahanin, kaya ko ang sarili ko."
Ashen rolled his eyes. "Hanggang ngayon mahal na mahal mo pa ring makipagtalo sa'kin."
Lumawak ang ngiti ni Cyra saka niyakap ang kasintahan. "Mas mahal pa rin naman kita."
Dumukwang si Ashen upang abutin ang labi ng babae. They shared a kiss that lasted for minutes and if it were not for Cyra, who know where they'll end up?
"Alis na."
Mahinang tumawa si Ashen bago hiniwalay ang sarili kay Cyra. Tumayo siya ng ayos saka inayos ang necktie.
"Well then, get some rest. Tomorrow we'll be choosing your wedding dress." And he winked
Magkahalong saya at sabik ang naramdaman ni Cyra. Bukas ay ang araw nang pamimili niya nang kanyang masusuot sa kasal nila ni Ashen. Napakabilis ng mga pangyayari para sa kanya but Ashen is insisting to hold the wedding as soon as possible at tila hindi na niya mapipigilan pa iyon. She just nodded and smiled at the man before he left their room.
"I love you." She softly speak
Ashen just got out of their headquarters. Naniningkit ang mga mata niya sa matinding sikat ng araw sa labas kaya mabilis siyang pumasok sa kanyang sasakyan upang puntahan naman ang kaibigan. Ngunit bago pa man siya makabwelo sa pagmamaneho ay may humarang ng pigura roon. Ang mukha nito'y masiglang nakatingin sa kanya. Hinayaan lang niya itong pumasok sa kotse niya.
BINABASA MO ANG
Dive Deep
General FictionThe Navy: Captain Ashen Andwesta (CAPTAIN SERIES 3) Ashen Andwesta, a young Captain of the Philippine Navy, labelled as the greatest playboy of his high school journey got his exceeding standard for girls. A man who had highly educated girlfriends w...