Walang imik na umakyat si Cyra sa malaking barko ng Pilipinas. Ngayon lang yata siya tinamaan ng hiya sa tanang buhay niya sapagkat napapalingon sa kanila ang kasundaluhan. Hindi niya alam ang rason at wala rin siyang balak na alamin pa iyon. She's not even wearing any revealing cloth because she was ordered by the man behind her to garb coat and slacks and so she did. And now she's in Sand Wrap-effect silk-charmeuse body suit.
Dahil sa ginawa ng lalaki kanina nawalan siya ng lakas ng loob para kausapin ito. Buong biyahe nila patungo sa barko'y nanatili siyang tahimik at hindi niya rin magawang tingnan ang binata. She's just so embrassed of what happened. Pakiramdam niya'y nawalan siya ng postura at ipanlalaban sa lalaki.
"Hindi diyan ang daan." Ani nito kaya naman natigil ang mga hakbang niya.
Nauna sa kaniyang maglakad ang lalaki na tinatahak ang isang tahimik na pasilyo. Malimit lamang na sundalo ang nakikita niyang dumaraan.
"Hindi mo naman siguro ako dadalhin sa kwarto mo, 'di ba?"
"Shut up."
She shrugged her shoulder. Tila bumalik na naman sa kaniya ang inis nito. Ilang liko pa ang ginawa nila hanggang sa matigil siya nang huminto rin ang lalaki sa tapat ng isang pinto. Akala niya'y papasok ang binata ngunit gumilid lamang ito kaya naman napataas siya ng kilay.
"Pumasok kana."
Tinuro niya ang kaniyang sarili na para bang sinisigurado niya kung siya ang tinutukoy nito.
"Ako? Bakit ako lang?"
"Stop asking questions. Pumasok kana kung ayaw mong itulak kita paloob."
Cyra smiled and went closer to the man. Nakakaisip na naman siya ng kalokohan kaya't nilapitan niya ito't pinagdikit ang kaniyang hintuturo sa matikas na dibdib ng lalaki.
"Tinulak mo na nga ako kanina, e." Hindi mapigil-pigil ang kaniyang ngisi lalo na nang hindi makasagot sa kaniya si Ashen. "Isa pa nga." Pang-iinis niya.
Ashen held her wrist with his famous death glares but instead of getting moved, Cyra smiled more.
"Pakibitawan ako, please. I need to go inside."
Inalis nga ni Ashen ang pagkakahawak sa kaniya kaya't nagpatuloy siya sa loob bitbit ang mga ngiting bawi na bawi na mula sa nangyari kanina. She felt it, the man stiffened from her touch.
"Good morning, Sir."
Napalingon siya sa agad na pagpasok ng lalaki. Akala niya'y maghihintay na lamang ito sa labas ngunit hindi pala.
"Have a sit, Captain and Ms. Arevalo."
Sumunod naman siya sa nakakatandang sundalo. Naupo si Cyra't nilibot ang paningin sa buong kwarto pero agad ding natigil nang magsalita ang kanilang kaharap.
"Magandang umaga sa'yo, Ms. Cyra Klynn Arevalo. I am the commander of this ship, my name is Martin De Rozario and aside from Captain Andwesta, I will be your boss also."
Ngumiti si Cyra. She extended her hand to the officer. "It's nice meeting you, Sir."
"The same, Ms. Arevalo. By the way, kilala mo naman na siguro si Captain, hindi ba?"

BINABASA MO ANG
Dive Deep
Ficción GeneralThe Navy: Captain Ashen Andwesta (CAPTAIN SERIES 3) Ashen Andwesta, a young Captain of the Philippine Navy, labelled as the greatest playboy of his high school journey got his exceeding standard for girls. A man who had highly educated girlfriends w...