CHAPTER 36

584 9 0
                                        

"Babe, wake up."



Nagising si Cyra mula sa mahihinang tampal sa kanyang mukha. Unti-unti niyang minulat ang mga mata. Nang tumangka siyang gumalaw ay hindi niya nagawa at doon niya napagtantong nakagapos ang dalawa niyang kamay. At ang taong nasa harap niya ngayon ay walang iba kung hindi ang lalaking naging kaibigan niya mula pa noon.




"B-Bob, what are you doing?" Sinusubukan niyang kalasin ang kanyang tali subalit hindi niya iyon magawa. Humahapdi lamang ang kanyang mga kamay.




"I'm doing what's right."




Kumunot ang noo ni Cyra. "Kidnapping was right?! Are you crazy?! Pwede bang alisin mo 'tong gapos ko?"




"Sure babe." Bob motioned a man to untie Cyra.




Nang matanggal iyon, agad siyang tumayo saka sinampal ang lalaki. Kumiling ang ulo nito sa lakas ng sampal niya. Kita niya ang pag-igting ng panga ng lalaki at nang harapin siya nito ay muntik na siya nitong hampasin sa ulo ngunit hindi nito itinuloy.




"That was the reason why I tied you. But don't worry, mukhang kailangan ko ng masanay sa pananakit mo."




Nagtaka siya sa winika ng kaharap. "What do you mean?"




Ngumisi lamang sa kanya si Bob at tinalikuran siya nito. "Dalhin 'yan."




Dalawang lalaki ang lumapit sa kanya at hinawakan siya ng mga ito sa magkabilang balikat. Hindi na siya nagtangka pang maglaban sapagkat alam niyang wala naman siyang takas sa ganoong sitwasyon. Lumabas sila at bumungad sa kanya ang isang malawak na loob ng establisyemento.




She scoffed. "Wow, nasa palabas ba tayo? Hindi mo sinabing nag-artista kana pala." Mapangloko na turan ni Cyra




They are in an abandoned warehouse surrounded by abolished facilities. May mga lalaki sa iba't ibang dako ng lugar ngunit mayroon din isang umpok sa gitna. May mesa rin doon at tatlong upuan kung saan sa isa ay may nakaupong lalaki at hawak din ito ng mga kasamahan ni Bob.




"You planned this? Paano mo nalamang lalabas ako ng Maynila?"




"Kaya kong gumawa ng paraan kapag ginusto ko."




"At ano'ng plano mo sa'kin? Are you gonna rape me or-




"No?" Tumigil sa paglalakad ang binata saka humarap sa kanya at marahang hinawakan ang kanyang baba. "Your eyes are still dazzling. To answer your question, you will surrender yourself to me. And when I wanted, I make way." Then he grinned




Namumuo na ang galit kay Cyra. She was about to spit to the man when Bob left her front and because of that, she clearly saw the man sitting on the lone chair.




"Dad?"




"Cy, anak-




"Dad!" She ran to her father and embraced him. Matagal na niyang hindi nayayakap ang ama and now she got the chance but their situation isn't right. "Bakit nandito ka? What- you kidnapped him, too?!" Baling niya sa lalaking si Bob




Nagkibit-balikat ito na mas lalo niyang ikinagalit. "Let's say, I kidnapped him but it's not really the case."




Tumayo si Cyra saka maayos na hinarap si Bob. "Pwede bang kausapin mo ako ng matino? Don't involve anyone here! Ako ang kailangan mo hindi ba?!"




Dive DeepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon