"Captain, wala pa pong update."
Pinagmamasdan lamang ni Ashen ang mga sundalong nasa flight deck abala sa sari-sarili nitong gawain. Their investigation is done and it's resolved. Nang gabing iyon nahuli nila ang mga kumukuta sa tuktok ng mataas na bangin. They are not the ordinary people they assumed of. Madudungis ang mga ito at para bang gulat na gulat nang makita sila.
"Remain in your positions." He warned them
Hawak niya ang isang rifle na nakatutok sa mga ito. Nakapalibot na rin dito ang mga sundalong kasama niya at maliwanag silang tinatamaan ng ilaw galing sa helicopter. Hindi bababa sa pito ang mga taong inabutan nilang nakapalibot sa maliit na apoy at kumakain ng inihaw na isda.
As he signalled his fellow soldiers to get the men, three of the unknown persons made their move. Subalit hahawak palang sila ng kanilang mga baril ay pumaputok na si Ashen. Ang nakatusok na isda sa kahoy ay parang isang malambot na bagay na nagsikalat matapos niya itong barilin.
"Don't make any moves and we're good. Kunin niyo na 'yan." Utos pa niya
Lumapit naman sa kaniya ang kasamahang sundalo saka binigay ang isang folder.
"Lahat kayo'y mga takas sa bilangguan. Tama ba ako? At dito kayo kumuta para palipasin ang mga balita tungkol sa inyo. You thought no one else will find you."
Hindi nakaimik ang mga ito na kapwa nakaposas na at hawak na ng mga sundalo. Kasabay ng pagsara niya sa folder ang muli niyang pagsalita.
"Sad to say, kailangan ninyong bumalik kung saan man kayo nanggaling. Stop being a pest to the government."
Matapang na tumawa ang lalaking sa wari nila'y tumatayong lider dito.
"Peste? Hindi kami ang salot dito kundi kayo mismong nasa gobyerno. Bulok ang gobyerno ng Pilipinas kaya-
"Mas lalo ninyong pabubulukin?" paghahadlang niya sa sinasabi nito. "Kung 'yan ang paniniwala mo wala akong magagawa." Saka naman siya lumingon sa mga sundalo. "Isakay na ninyo 'yan."
"Masusunod, Captain."
Tumango lamang siya saka naglakad paalis upang tingnan naman ang mga gamit nitong iniwan. He's sure that they were involved in theft. Pinasilid niya rin ang mga iyon sa isang sako upang isama sa mga magiging ebidensya.
That night passed and here he is receiving another news.
"Basta nagpaalam lang daw ito kay commander na aalis na at i-te-terminate na ang kontrata."
Napaharap si Ashen sa sundalo.
"She's going to breach the contract?" his voice is becoming pissed
"Oho, iyon lang po ang narinig ko kagabi. Ang kaibigan niyo po ang naghatid sa kaniya."
"Si Gerald?"
"Yes, Captain."
"Nothing happened! Bitawan mo ako! Damn, man."

BINABASA MO ANG
Dive Deep
General FictionThe Navy: Captain Ashen Andwesta (CAPTAIN SERIES 3) Ashen Andwesta, a young Captain of the Philippine Navy, labelled as the greatest playboy of his high school journey got his exceeding standard for girls. A man who had highly educated girlfriends w...