I woke up early because of the consecutive rings of my phone. Damn. Hindi yata ako magkakaroon ng katahimikan sa lugar na ‘to. Naturingan pa namang isla pero bulabog ang buhay ko. I usually got out of bed late, I’m not a morning person. My breakfast today is just coffee and toasted bread. After eating I changed into my two piece swim suit. I ogled at myself in the full mirror. Naglagay ako ng sunblock saka kinuha na iyong beach hat ko. I’m going to ride a Jet Ski today and darating din sina Roxanne. I invited them of course. May itinapis din ako sa bewang ko, manipis lang iyon na tela para naman hindi agad ako agaw atensyon sa paglabas tsaka kailangan ko ring pumunta muna sa hotel to check.
“Ma’am, ready na po ang gagamitin ninyo.” Ani ng isang staff na sumalubong sa’kin
Dumiretso lang ako sa paglalakad. “I want to talk to that person.” Tumigil ako saka humarap sa kanila. “Sino nga ulit ang tumawag kagabi?”
Ngunit bago pa man siya makasagot may nagsalita naman sa likod ko.
“Good morning, ma’am. Gusto ka pong kausapin ni Mr. Arevalo, over the phone po.”
Tinaasan ko siya ng kilay. Dad has some excellence in choosing staffs, napansin kong halos puro mahitsura ang empleyado niya babae man o lalaki, kabilang na ang nasa harap kong manager ngayon. But nah, marami na akong nakitang gwapo at lahat sila mapaglaro kaya ang dapat sa kanila sinusungitang talaga.
“Please know when to interrupt and not. As you can see may kausap ako. Next time, you should wait for your turn hindi iyong bigla-bigla ka nalang sumisingit.”
Napansin ko ang paggalaw-galaw ng panga niya kaya muli akong nagsalita.
“At kung nagagalit ka, sabihan mo ako. Hindi iyong kinikimkim mo riyan sa loob-loob mo at sisirain mo ako patalikod. Ayaw ko sa mga plastic, hindi na nga mabulok mabaho pa kung masunog. Excuse me.”
Nilagpasan ko sila na kapwa mga tahimik. Well, kailangan nilang masanay sa’kin na gano’n. I am a straightforward person and I don’t like it when someone’s talking behind me though alam ko na maaari ngang pinag-uusapan na ako ngayon sa buong isla. Honestly, marami ang may ayaw sa ugali ko but what can I do? This is me. I won’t change a bit of me just because they hate it. Kung ayaw, alis. Hindi ako mapilit na tao.
“Omg, ang sexy talaga ni ma’am Cyra.”
“Sabi sa inyo, nakita ko na siya. Kasama siya roon sa magazine na City Girls. May kasama siyang ilang artista at model yata iyong iba.”
“Hindi na rin ako kakain ng kanin simula ngayon.”
“Ang ganda niya, morena! Sana ako rin.”
I heard different gossips and I let them. I won’t do anything as long as it’s not against my perception. Inabot ko agad ang telepono na hawak ng receptionist.
“Yes, dad?”
[“You won’t even greet me in the morning. Anyway, nakatanggap ako ng tawag na lumabag daw sa fishing guidelines ang mga mangingisda natin. Hindi ako makakapunta riyan dahil lilipad ako patungong Thailand ngayon. I want you to deal with this matter. Nagkakaintindihan ba tayo, Cyra Klynn Arevalo?”]
Here’s dad mentioning my full name again and I hate it, ang haba.
“Yes, dad. Katunayan papunta na ako roon.”
[“Okay, that’s good to hear.”]
“Oh, sige na po. I have to go for now.”

BINABASA MO ANG
Dive Deep
Ficção GeralThe Navy: Captain Ashen Andwesta (CAPTAIN SERIES 3) Ashen Andwesta, a young Captain of the Philippine Navy, labelled as the greatest playboy of his high school journey got his exceeding standard for girls. A man who had highly educated girlfriends w...