CHAPTER 15

746 22 0
                                        

"Ma'am, pinapatawag po kayo ni Captain sa mesa niya."










Natigil si Cyra sa inaasikaso niyang mga plato matapos dumating ang babaeng si Aiza, isa sa mga katrabaho niya upang sabihing hinahanap siya ng lalaki.










"Why?"










Hindi niya alam ang rason kung bakit siya nais na makita nang binata ngunit kung isa na naman itong pang-iinsulto sa kaniya, hindi bale na. She'd rather stay in the kitchen and do her stuffs.










"Hindi ko po alam, ma'am. Sa loob daw po ng tatlong minuto dapat naroon ka na."










Naibaba niya ang plato pati ang pamunas dito saka pagak na tumawa. "Is he serious? Pakisabi sa kaniya wala akong oras sa mga katarantaduhan niya."










Kitang-kita niya ang panlalaki ng mga mata ni Aiza na batid niyang nagulat sa kaniyang winika. Sa bagay, isang sundalong may mataas na ranggo ang pinagsabihan niya niyon. Hindi na nakapagtataka kung isang iglap ay mawawala nalang siya sa barkong iyon dahil pinatalsik na sa walang preno niyang bibig. But that's not gonna happen, she assures it.










"S-sasabihin ko po 'yon?"









"Oo." Walang anu-ano'y sagot niya.











Nag-aalangan pang umalis ang babae subalit wala rin itong nagawa. Tahimik muli niyang sinumulan ang gawain nang biglang may dumating naman na lalaki, humahangos pa ito galing sa pagtakbo.










"What happened?"









"M-ma'am, n-nagrereklamo po si C-captain sa hinain ninyong pagkain sa kaniya."










Mabilis na nagsalubong ang kaniyang mga kilay. Nagrereklamo? Ano ba talaga ang gusto ng lalaking iyon sa kaniya? Galit niyang tinanggal ang kaniyang gloves pati na ang sombrero niya na parte ng kanilang uniporme. Nilisan niya ang kitchen area saka malalaki ang hakbang na tinungo ang puwesto ng lalaki.










Malayo pa man tanaw na tanaw na niya ang isang empleyadong pinapagalitan ngayon na walang iba kung hindi si Aiza. Nakatuon pa ang atensyon ng mga sundalo roon kaya't alam niya kung ano ang nararamdaman ngayon ng babae sa pagkakahiya.









She made large steps towards the man that suddenly gained attention from the crowd. Kinabig niya ang babaeng si Aiza at pinasalikod niya. She pressed her lips together as she glared at the man.









"That's fast." Ashen commented with a beam on his face









Hindi napigilan ni Cyra'ng ibagsak ang mga kamay niya sa mesa na nagpa-ingay sa mga manonood nila. Binalewala lamang niya iyon dahil gusto niyang dumirekta na sa kaniyang pakay.











"What do you want? Inis na inis na ako sa'yo, alam mo ba?"










"My pleasure." The man answered which made her blood boil even more.











"Ano'ng kailangan mo?"










Ginawa niya ang lahat para hindi gumawa ng anumang hakbang na pagsisisihan niya sa huli. She acts impulsively and she has to prevent herself from doing such things again.










Dive DeepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon