CHAPTER 32

525 14 0
                                        

"Ano ba kasing ginagawa mo rito? Bumalik kana ro'n!"





Binato ni Cyra ng unan ang kaibigan niyang kanina pa siya tinataboy.





"Bawal makitulog?! Parang ngayon lang." saka niya ito inirapan





"Ngayon? Hello! Magda-dalawang linggo kana rito."





"Kapal mo! Isang linggo ako nag-stay kina Ellen tapos mag-iisa na rito sa inyo. Ang damot mo'ng babae ka."





Inis na umupo ang kaniyang kaibigan na yumanig pa sa kaniya sa kama.





"Bakit? Hindi pa rin ba nakikipag-ayos sa'yo ang kapitan na 'yon? Gusto mo i-chat ko na?"





"No, wala akong pakialam sa kaniya."





"Damn you. Hindi ko alam kung ano talaga ang nangyari sa inyong dalawa. Nagsisimula na sila ro'n sa maritime exercise na sinasabi mo, eh hindi ba sa isla ninyo 'yon? Paanong wala ka ro'n? Kagagahan mo na naman 'yang pinapairal mo."





Cyra glared at her friend. "Tsk. We're over. Sapat na ba 'yong impormasyon sa'yo?"





"Weh? Talaga? 'Yon pakakawalan mo? Hindi ka manghihinayang?"





"Bakit ako manghihinayang sa taong walang pakialam sa'kin? Alam mo, kung ayaw ko ayaw ko talaga. We're over. I ended it with him before I left kaya ayaw ko munang bumalik doon, siguro kapag tapos na sila para hindi ko na siya makita."





Then Roxanne stood up with excitement in her face. "You know what? I have a feeling na sasabihin mo na sa'kin lahat ngayon kaya bumangon ka riyan, we're going to have fun."





"Hindi mo ako mauuto kahit lasing ako. Anyway, I badly need it at dahil nagtitipid ako papatulan ko 'yang libre mo." Bumangon na nga rin siya saka inayos ang sarili sa harap ng salamin.





Matapos nilang magbihis, tinahak na agad nila ang lugar.





"Saang bar tayo pupunta?" tanong niya habang abala sa cell phone. Si Roxanne naman ang nagmamaneho para sa kanilang dalawa.





"Dati lang. Bakit? May alam ka bang bago?" sabay lingon nito sa kaniya





"Ako talaga ang tatanungin mong nanggaling sa gitna ng karagatan?" sarkastikong sagot niya sa kaibigan





"Tch. Well, I think informed ka ng mga lalaki mo."





"Salain mo nga 'yang bibig mo. Wala akong lalaki. I've changed."





"When?"





"The day I met him."





"Pft!"





Taas-kilay na nilingon ni Cyra ang kaibigan niya. "Did you just laughed?"





"Wala, hindi ka pa nga lasing kung anu-ano na'ng pinagsasabi mo."





"Tsk. Anyway, ano na 'yung pinapabantayan ko sa'yo? How's the girl?" tanong niya na tinutukoy ang bata na anak ng trabahante niya noon sa isla. Hanggang ngayon pinapabantayan pa rin ito sa dalawang kaibigan at siya rin ang sumasagot sa mga gastusin.





"She's okay naman na. Minsan lang ang hirap niyang pakainin but overall, she's okay."





Hindi na siya umimik. Hindi niya pa ito nabibisita muli nang tumungtong siya ng Maynila. At isa pa'y hindi alam ng kaniyang ama na narito siya ngayon. Paniguradong isang away na naman ito sa pagitan nila kung ipapaalam pa niya. Iyon din ang rason kung bakit hindi siya makauwi sa condo na pagmamay-ari niya sapagkat ilang oras lang ang itatagal malalaman ng kaniyang ama na narito lamang siya Maynila.





Dive DeepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon