CHAPTER 30

638 13 0
                                        

Palakad-lakad ngayon si Cyra sa loob ng barko. Maagang natapos ang trabaho niya dahil sa nangyari kanina kaya naman ninais niyang magpahangin ngayon.





"Ash, I missed you so much."





Until she heard a woman sniffing. Balot siya ngayon ng jacket ngunit ramdam na ramdam pa rin niya ang malamig na ihip ng hangin at sa hindi alam na rason, bigla nalang nagtindigan ang balahibo niya. Hanggang sa may mapagtanto siyang isang bagay na nagpatigil sa kaniyang mga hakbang.





"Was that a freaking ghost?" bulong niya sa sarili





"Ash, I came back. Bumalik ako para sa'yo. Can't you accept me again?"





Subalit nang bumoses muli ang babae, hindi na siya nagdalawang isip na ituloy ang mga hakbang. Sa pagsilip niya mula sa pader na kaniyang kinatataguan, malaya niyang natanaw ang isang dalaga na umiiyak sa harap ng makisig na binate. Nakatalikod sa kaniya ang lalaki pero naging pamilyar na sa kaniya ang pigurang iyon.





"Can't you feel it again? I know you still love me. Umalis ako para sa'yo. We talked that everything will be alright but nang nakaalis na ako ng barko you never talked to me again. You won't answer my calls, emails, texts, hindi mo sinasagot lahat! I needed to leave because that's what we both agreed. Pero bakit ganito na? Ano na? Isa na naman akong estranghero sa paningin mo."





Umiyak ulit ang babae. Hindi makagalaw si Cyra sa kaniyang kinatatayuan. Lumabas siya upang sariwain ang preskong hangin ngunit kabaliktaran ang nangyayari ngayon sapagkat naninikip ang dibdib niya.





"Am I going to beg for your love again?"





The woman was about to kneeled but Ashen caught her. Hawak ngayon ng binata ang mga braso nito.





"Stop it, Nicelle. Pag-uusapan natin ito ng maayos."





Cyra stepped back.





So, he still wants to fix what ever they had.





"Ah!"





Napadaing siya nang kumirot ng matindi ang dibdib niya. Napahawak siya roon habang ang isang kamay ay ipinantabon sa bibig.





"Ash! Saan ka pupunta?"





Nang marinig niya ang pasigaw na boses ng babae, mabilis siyang lumiko saka tumakbo pabalik sa loob ng barko. Hindi niya pinansin ang mga nababanggang tao sapagkat ang gusto lang niya ngayon ay makarating na sa kaniyang kwarto.





"Aww!"





Nang tuluyang makapasok sa silid niya, mabilis niyang sinarado ang pinto saka doon sumandal. Habol-habol niya ngayon ang hininga.





Fuck, did he saw me?





Nagtungo siya sa banyo saka naghilamos. Mabilis lamang iyong natapos kaya nanatili na siya ngayong nakaupo sa kama niya. Then her eyes landed on her phone. When she tried to reach for it, a slight pinch on her chest attacked her again. She can feel the warmth surrounding her left whole chest.





Shit.





Hindi na niya iyon ininda pa, bagkus tinawagan niya ang kaibigan na si Roxanne.





["Hey, ma-girl! I miss you!"]





"Kailangan ko pa bang magtanong kung nasaan ka?" It's too known for her already. The noise and the loud thud of music explains where her friend is in right now.





Dive DeepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon