PROLOGUE

38 3 0
                                    

Lucia De Andrada a silly and clumsy girl who grew up near the sea. Lumaki si Lucia kasama ang kanyang kababatang kapatid na si Enzo, She is the only daughter her parents have which is why she was sheltered all her life in their mansion near the coast of Daan Bantayan.

Dahan dahang bumaba si Lucia sa napakalaking mansion nila, bawat kilos na kanyang ginawa ay minabuti niyang di gumawa ng ingay sapagkat nang nasa unang palapag na siya ng bahay, Nakita nya si Enzo, naka lingon na eto sa kanya.

"At san naman ang Punta mo Cia?" nakataas ang isang kilay nito, na mag aakala kang mas matanda eto sa iyo, ayaw niyang tawaging Ate si Lucia dahil lang daw sa isang taong agwat nilang dalawa.

"dyan lang sa dalampasigan Enzo, Wag kang mag alala at babalik din naman ako kaagad." Ngumiti si Lucia sa kanyang kapatid na ngayoy nakatitig na sa laptop nito.

"Siguraduhin mo lang at babalik ka bago dumating si mommy. Alam mo naman yon Cia, ayaw ka nilang palabasin dito sa Mansion." Bumuntong hinga eto at patuloy ang ginagawa sa kanyang laptop.

"alis na ako Enzo!" malakas na sigaw ni Lucia at dalidaling tumakbo papunta sa double doors nila, di man lang hinintay ang sagot ng kapatid.

Malalakas ang alon, ang bumungad kay Lucia ng makadating siya sa dalampasigan. Kaya ay napag-isipan nyang pumunta nalang sa mga rock formations.

"Hay! Nakakapagod naman" sabi niya ng makadating siya sa tuktok nito. Gayunpaman, may nakita siyang lalaking hubad at nakaupo sa iyang bato na para bang nahihirapan.

"Hoy! You!" Sigaw na ngunit di parin lumingon ang lalaki kaya ay bumaba siya sa malaking bato upang maharap ang lalaki. Dali-dali siyang bumaba sa mga malalaking bato para mapuntahan yung lalaki. Ngunit laking gulat niya ng makita ang kabuuan nito.

"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHH-" di siya makasigaw ng maayos dali tinakpan agad ng lalaki ang bibig nito.

"Ang ingay mo! Manahimik ka nga" Masungit na ani nung lalaki, pero mas lalong di makapag salita si Lucia ng makita ang pares ng mga mata nito. Kulay lila ito na parang may kidlat at bagyong nasa loob nito.

MYSTIQUE IN THE SIREN'S EYESWhere stories live. Discover now