Chapter 30

7 1 0
                                    

Lucia's POV

I feel empty.

I always woke up in the middle of the night due to the dreams and nightmares. Isang linggo na ang nag daan pero wala paring Lio nagpakita. Alam kong tapos na kami pero di ko pa rin maiwasan na mag antay kung kailan siya babalik.

I stood up from my bed and decided to take a shower. Pagkatapos kong maligo, I dressed my self with my silk pajama and comb my long hair. Di ko na naisip na mag bihis ng casual tutal ay nasa bahay lang din naman ako at hindi na gaano lumalabas.

"Good Morning Cia." Ngumiti si Clarice sa akin ng makita niya akong bumaba sa hagdanan. She was still wearing a mitten, seems like she is baking with Enzo again.

"Good morning." Ngumiti ako sa kanya at patuloy ang lakad papuntang kusina. Naabutan ko pa si Enzo na naka apron habang hawak-hawak yung baking tray na may freshly baked cookies.

"Good morning Cia." Tumango lang ako sakanya at umupo sa kitchen counter. He handed me a glass of milk along with some cookies. Agad ko naman iyon nilantakan, Clarice bakes the best cookies that I have ever tasted, since it has toffee in it which causes for it to be so chewy.

"Mag lakad ka ngayon?" Tanong ni Enzo sa akin.

"No, wala why?"

"Mom said to meet her at the office."

"Mom's already here? Since when?" parang kailan lang nung umalis sila mommy ay yun din ang pagkawala ni Lio. Napabuntong hinga na naman ako ng maisip ko siya.

"Yesterday, kaso nag kulong ka sa kwarto. Kasama niya si Tita."

"Sino na tita?"

"Tita Clarice is here already."

"Ahhh" naptango naman ako sa sinabi niya.

Pagkatapos kong kumain ng cookies ay agad akong tumayo para mag bihis sa itaas.

"Oh, san ka punta Cia?" tanong ni Clarice sa akin.

"Mag bibihis lang, may lakad ako." Tumango naman siya sa akin at yinakap ni Enzo sa bewang. Mga walang hiya naman, kitang broken ako eh.

I only wore a halter dress and a pair of flat shoes, along with my Birkin hand bag. I combed my hair and decided to add a hairband on my head. I was wearing only a light make up just to cover up the dark circles in my eyes. After I was satisfied with what I was wearing ay agad na akong bumaba.

I graced my way down the stairs and hall way. When I arrived at the garage I saw Manong Berto preparing the car.

"Manong tara na po." Agad niya naman binuksan ng makita niya ako. Umupo kaaagad ako sa second seat at nag pasya na mag on sa cellphone ko. The last time I opened this one was when we were at the resort.

Binuksan ko ito at agad tumambad sa akin yung wallpaper ko na kaming dalawa. Yung kuha ni mommy sa sala. Napasinghap na naman ako at nagsimula na namang mag badya ang luha kaya ay pinaypayan ko ang aking sarili.

Pinalitan ko agad yung wallpaper ng plain, para na rin di na ako umasa na babalik pa siya. After all, every love story is different. Kung ano ang nangyari kila Enzo ay pwede din hindi mangyari sa amin ni Lio. 

MYSTIQUE IN THE SIREN'S EYESWhere stories live. Discover now