Lucia's POV
Gumising ako nang nakahawak sa kwintas. Dahan-dahan akong umupo sa kama, at tiningnan yung bintana, naka labas na si haring araw at napaka ganda ng panahon ngayon.
Mabilis akong pumasok sa banyo at naligo. Nagbihis ako ng isang shorts at simpleng t-shirt. Nag headband lang ako kasi malaming naman ang simoy ng hangin at di gaano ka init.
"Good morning Cia." Bati ni Enzo ng makita akong bumaba sa hagdanan. Nakaharap na naman siya sa kanyang laptop habang umiinom ng kape. Kung makapag asta akala mo di niya ako Ate, walang hiyang bata to.
"Good morning Enzo." Sabi ko at pumunta sa dinning area para mag almusal na. Nakita kong sumunod si Enzo dala-dala yung baso ng kape niya.
"May lakad ka ngayon?" kuryosong tanong niya sakin.
"Oo" Kibit balikat kong tugon habang kumukha ng pagkain sa hapag.
"Where to?"Umupo siya sa harapan ko at tiningnan ako ng mabuti. Napataas naman ako ng kilay sa ginagawa niya ngayon. Bakit ang usisa niya ngayon kung saan ako pupunta.
"Dyan lang sa dalampasigan ulit. Naboboring ako dito sa bahay Enzo." Ismid kog tugon habang nginunguya ang pagkain sa bibig ko.
"Sure , make sure to be careful and please don't be careless Cia." Paki usap niya. Ngumiti lamang ako sa kanya.
"Wag kang mag alala Enzo, mag iingat ako pangako." Di kona siya pinansin at pinatuloy ang pag kain ko. Umalis naman siya at pumunta sa sala para ipag patuloy ang ginagawa niya kanina.
Nang matapos na akong kumain, iniligpit ko ang aking ginamit at pumunta sa sala upang makapag paalam kay Enzo, wala si Manang Amie namalengke ata kaya kay Enzo ako magpapa alam para naman di siya mag alala kung saan ako pupunta.
"Enz, Alis na ako" Sabi ko sa kanya.
"Sige" yun lang ang sagot niya, tutok na tutok siya sa laptop niya. Pang ilan na akong sumubok tumingin kung ano ang tinitingnan niya kaso palagi niya akong pinapagalitan.
Habang nag lalakad ako sa dalampasigan, may nakita akong mga shells kung kaya't huminto muna ako at kumuha neto. Idagdag ko lang sa collection ko na nasa bahay. Di ko namalayan ang oras, na lunch time nap ala. Kaya ay bumalik agad ako sa bahay dala dala yung mga shells na napunot ko sa dalampasigan.
"Omy Ghodd Cia! Where have you been?!" I can hear the panic in my mom's voice nang makita ko siyang nasa may garden namin wearing her office attire.
"Mom, I was just at the shore. I was picking some sea shells." I rolled my eyes kaya kinurot ako ni mama sa gilid.
"You! You really like to give me a heart attack Iha." Mahinahong tugon ni mom. I felt sorry, I know that they are only keeping me away from harm. But they are clearly exaggerating, I am already old enough to handle myself.
"I'm sorry mom." I hugged her tight. "Where's dad by the way?" I asked when I noticed she was only alone.
"Oh, He went ahead to the meeting, I'm on my way to follow him but I was startled when I knew you weren't around kaya natagalan ako. Now that you're here already. I can now go in peace." Sabi niya sabay halik sa pisngi ko. Pumunta siyang garage, para umalis na. Nang maka alis si mommy, pumasok agad ako sa masion at naisipang kumain ng lunch.
Wala si Enzo nang kumain ako ng lunch, di ko alam kung saan na naman yon nag susuot kaya naisipan kong umakyat sa kwarto at matulog muna para narin makaipon ng energy pa akyat sa mga rock formations.
Inilapag ko ang mga sea shells na nakuha ko sa walk in closet ko. Maraming ibat ibang uri ng shells ang naroon, may ibat ibang kulay rin. May iba ring galing sa abroad kaya naisipan kong gawing collection ang mga ito.
While arranging the shells, bigla akong humawak sa kwintas at napansin kong umilaw yung shell na nasa dulong bahagi ng shelf. Sinubukan kong lapitan kaso may kumatok na naman sa pinto.
"Cia, Si Enzo to, mag uusap tayo."
YOU ARE READING
MYSTIQUE IN THE SIREN'S EYES
FantasyA love that is bound to end from the start, Would they risk their young hearts? Falling in love is ecstatic,but falling in love with a siren is surreal.