Lucia's POV
Napatingin ako sa kwintas ng bigla itong naging pula. Nakita ko rin si Lio na pinipigilan ang sarili niyang ngumiti.
"Bat?" Takang tingin ko sa kanya. Simula ng na sa akin ang kwintas may ibang kung ano ano nalang akong nakikita.
Bumuntong hinga siya at tumingin sa laot.
"May sasabihin ako sa iyo Cia." Sabi niya sabay yuko. Bigla naman akong kinabahan sa kung ano ang sasabihin niya.
"Ano yon?" I swallowed the lump on my throat. Abot kaba ang aking naramdaman at hindi ako mapakali.
"Gusto ko sanang itago mo yang kwintas na yan at kahit anong mangyayari palagi sa sanang may tiwala sa akin."
Naguguluhan ako kung ano ang ibig niyang sabihin, ngunit wala akong magawa kundi ang tumango sa pinag sasabi niya.
"Don't worry, I will surely keep this necklace Lio. Habang buhay ko itong aalagan." Ngumiti ako sa kanya at ngumiti naman siya pabalik.
Bumuntong hinga siya at tumingin sa himapapawid. Napatingin din ako doon, the sky looks bright with its different colors that made it prettier. Nung lumingon ako sakanya nakatitig na siya sakin, sakabila ng magandang himapapawid sa ibabaw di ko maitatangi na mas maganda ang kaniyang mata na para akong hinihigop ng bagyong nasa loob nito. It was like a different kind of world within. A world in which I want to explore and get to know more.
Umubo siya kaya naputol ang titigan naming dalawa.
"Bakit ganyang kaganda ang mga mata mo Lio?" Alam kong nakikita niya ang pagkamangha sa aking mga mata.
"Di ko alam." Nagkibit balikat siya pero ngumiti ito sa akin.
"alam mo? Ang ganda ng mga mata mo para akong hinihila sa loob nito." Ngumiti na naman siya sakin at hinawi yun buhok na sumagabal sa mukha ko.
"Maganda ka rin naman ah, di lang yang mga mata mo kundi yung buong pagkatao mo Cia." Ayun na naman at tumibok ang puso ko.
"Alam kong kinikilig ka Cia, pero sana wamong ipahalata sakin." Inasar na naman niya ako, gusto ko naman busalan yung bibig nito ng seaweed. Siniko ko siya kaya mas lalo siyang tumawa. Ewan ko ba sa tuwing tumatawa siya bumibilis ang tibok ng puso ko.
"Di naman ako kinikilig ah, Jusme ka Lio. May pumasok atang tubig dagat sa utak mo." Umirap ako sa kanya at ngumisi rin kalaunan.
"mabilis kasing pumupula ang mukha mo Cia, ang mestiza mo masyado." Sinundot niya ako sa gilid kaya sinapak ko na naman siya.
"Oo na." I pouted.
Nabigla ako ng isinandal niya ang ulo niya sa balikat ko. Ang bango pa rin niya sa kabilang sa dagat siya tumira.
"gusto ko andyan ka laki Cia, gumagaan yung pakiramdam ko pag nandyan ka. Di na ako malungkot ng dahil sayo kaya salamat." Wala akong magawa kundi ngumiti at tumango sa sinabi niya.
"Palagi tayo dito mag aabot Lio ah? Antayin moko dito palagi." Pagkatapos kong bigkasin iyon, bigla na namang may tumunong sa gitna ng dagat kaya't agad lumusong si Lio sa tubig.
"Kailangan konang umuwi Cia, mag ingat ka sa pag uwi mo at mag dahan dahan kang umakyat jan baka mapano ka." Sabi niya sabay tango sa akin. Tumago nalang ako sakanya at tiningnan siyang lumangoy papalayo hangang mawala siya.
Bumuntong hinga naman ako, at umakyat ulit sa rock formations para makauwi na ako.Pagdating ko sa bahay nakita ko si Enzo na naka tingin na naman sa laptop niya. Nakita kong tiningnan niya ay isang video ng magandang babae, makikita talaga ang saya sa mata nito. Narining ko rin ang boses ni Enzo kaya napagtanto ko na ang babaeng yon ay girlfriend niya.
"Enzo." Bigla siyang lumingon sakin at tumama yung mga mata niya sa kwintas na nasa leeg ko, mabilis naman niyang iniwas ang mga mata niya dito.
"buti at nakarating kana, papauwi na sila mom and dad."
"Ahhhh, buti nalang hehehe." Napakamot ako sa aking ulo at nakita ko siyang nakatulala na naman.
"Enzo? Okay ka lang?" Di ko maiwasang di siya tanungin gayon iba-ibang na naman siya.
" Ahh Oo." Parang wala sa sarili niyang usal. Umalis agad ako ng ma realize ko na wala siyang ibang sasabihin.
"Cia, pakiusap kung mahuhulog ka man sakanya, lumayo ka agad." Bigla niyang sabi kaya napalingon ako sakanya.
Nakita ko sa mga mata niya ang lungot at pangulila na di ko ma explain kung bakit biglang kumirot ang puso ko. Bigla kong yinakap siyang ni yakap.
"Ate, nakikiusap ako. Kung feeling mo mahuhulog kana sakanya. Lumayo ka at umalis at iwan mo ang kwintas." Yung lang ang sinabi niya at bigla niyag kinalas ang yakap, at mabilis lumakad papuntang kwarto.
YOU ARE READING
MYSTIQUE IN THE SIREN'S EYES
FantasyA love that is bound to end from the start, Would they risk their young hearts? Falling in love is ecstatic,but falling in love with a siren is surreal.