Lucia's POV
Wala ng ni isang nagsalita nami ni Lio, para ngang may patay dumaan kaya ay sobrang tahimik. Si mommy at daddy naman di pa lumabas sa guestroom kung saan siya nagpahinga. Alam kong kikilatisin ako nila mamaya kung bakit may kasama akong lalaki. Lalo na si daddy. Napalunok ako ng napaisip ko yun. Pero mas lalo akong napalunok nang makita ko si Mommy at daddy pababa ng hagdanan.
Mommy was looking calm as well as daddy kaya ay mas lalo akong kinabahan.
"Iha." Sabi ni mommy ng makarating sa ibaba ng hagdanan.
Agad naman ako tumayo pati na rin si Lio, nang lingunin ko siya di ko mabasa yung expression niya.
"Yes po my? Kamusta na si Tita?" Sabi ko ng makalapit na siya sa akin.
"She's already awake iha, but she is still resting." Sabi ni mommy, nilingon niya si Lio kaya ay palingon ako.
"I am Lucia's mom, You are?" sabi niya sabay lahad ng kamay niya kay Lio, agad naman itong tinanggap.
"Lio po ma'am." Medyo kabado ako kung ano ang tatanungin ni mommy gayong kaibigan ko lang naman si Lio.
"Lio , This is my husband Lorenzo." Agad nag lahad ng kamay si daddy at nakipag kamayan rin kay Lio.
"Stay here for dinner iho." Napatango naman si Lio. Lumapit si mommy sa akin at saka ay may binulong.
"He's handsome. Bagay nga kayo." Ngumiti si mommy ng napakatamis sa akin kaya ay di ko mapigilan na mapangiti din. Pogi din naman talaga si Lio eh kaso lang mahilig mang asar.
Agad umalis si mommy at daddy sa amin harapan upang puntahan sila manang sa kusina, parang mag fifiesta si mama ngayon ah. Ang dami niya kasing utos sa mga katulog.
"Narinig ko yun ah!" Kiniliti ako ni Lio kaya ay sinapak ko siya. Tumawa naman siya ng malakas kaya ay nakita kong napatingin sila mommy at daddy sa gawi naming. Nakita ko naman na binulungan si mommy ni daddy kaya ay napa facepalm nalang ako.
"Wag ka ngang malikot jan! andyan sila mommy at daddy baka ano pa ang masabi!" sita ko sa kanya ngunit wala atang makapigil sa kanya kaya ay mas inasar pa ako lalo.
"Ang gwapo ko talaga no? Mommy mo pa talaga nag sabi" Tumawa siya kaya ay napatulala ako sa kanya. Lalo na yung mata niya ay kumikinang dahil sa saya. Bigla nalang tumibok ang puso ko kaya ay inalis ko ang tingin ko sakanya. Nakita ko naman na nag iiba ang kulay ng kwintas kung ito ay itim noon ngayon naman ay kulay pula.
"Ang lakas ng tibok ng puso mo ah!" Pinalo ko naman siya sa balikat niya ngunit bigla na lamang siyang umilag kaya muntik na akong mahulog sa sofa buti nalang ay agad niya akong hinawakan at yinakap. Gulat ang rumehistro sa mukha ko pati na din sa kanya. Dahil malapit ako sakanya narinig ko ang lakas ng tibok ng puso niya.
"Mag iingat ka kasi." Mas lalo niya akong niyakap na para bang aalis ako.
*Click*
Napalingon ako sa gawi nila mommy ng marinig ko ang shutter sound ng camera. Nakita ko siyang hawak ang cellphone niya, na kinukuhaan kaming dalawa ng litrato.
"Ay peace." Sabi niya habang yung dalawang kamay niya ay naka peace sign. Siniksik ko yung ulo ko sa leeg ni Lio dahil sa kahihiyan.
YOU ARE READING
MYSTIQUE IN THE SIREN'S EYES
FantasyA love that is bound to end from the start, Would they risk their young hearts? Falling in love is ecstatic,but falling in love with a siren is surreal.