Lucia's POV
Binuksan ko ang pintuan at nakita ko si Enzo na nakatingin sakin na para bang may ginawa akong mali.
"Enz? Ano kailangan mo?" Tinanong ko agad siya, at bigla siyang natauhan. Di ko alam kung bakit palagi nalang siyang natutulala pag nag uusap kami.
"Anong ginagawa mo diyan sa kwarto mo? Dumaan ako at biglang may kung anong linawanag sa loob." He was only staring at me, para bang naghahanap ng kasagutan sa mga mata ko.
"Ahh yun bah, Tinest ko yung lights na binili ko online." Ngumiti ako sa kanya para di ipahalata na kabado ako.
" Okay." Yung lang ang sabi niya tapos bigla nalang siyang bumalik sa kwarto niya.Weird.
Bumalik ako sa loob at naisipan na mag bihis para makapunta na ako sa rock formations. Di ako makatulog kakaisip kung bakit umilaw ang shell na yon kaya't napag pasiyahan kong tanungin si Lio tungkol don total siya naman ang may ari ng kwintas nato.
Bumaba ka agad ako at nakita ko si manang na nag lilinis sa sala.
"Saan ang punta mo Lucia?" Tanong ni Manang ng mapansin ako.
"Diyan lang po sa tabi tabi manang."
"Sige, umalis kana para makabalik ka agad. Alam mo naman ang mama mo iha, palaging nag aalala kung saan saan ka pumupunta."
"Babalik kaagad ako manang." Yun lang ang sinabi ko at naglakad palabas ng malaking gate ng bahay.
Malalaking apak ang ginawa ko para mapabilis ang pag akyat sa mga rock formations. Nang nasa tuktok na ako nakita ko si Lio nakaupo dun sa batong inupuan niya kahapon.
"pssssssss-" Di ko natuloy yung sasabihin ko ng bigla siyanglumingon sa aking gawi.
"Alam kong nandiyan ka. Para kang tanga." Ayan nanaman po si isda na ang init ng ulo.
I slowly went down and slowly walk towards him. Nang nasa harapan na niya ako, umupo ulit ako doon sa pwesto ko.
"bat ang tagal mo ngayon?" nanlaki ang mata ko sa tanong niya, na para bang nag aantay siya sa akin.
"bakit bah? Inaantay mo ba ako?" ngumisi ako ng nakakaloko sa kanya, sapagkat bigla rin itong nawala nungsumagot siya.
"pano pag sinabi kong oo?" Napatitig lang ako sakanya, feeling ko namumula yung mukha ko. First time na may lalaking gumaganyan sakin at may buntot pa. Super protective kasi si Enzo sa school, di halos makalapit yung mga lalaki sakin kaya naninibago ako ngayon sa asta ng lalaking to.
"kinikilig ka no?" natatawang ani niya sakin.
"hindi, ang assuming mo naman."
"Hindi halata Cia, ayan oh namumula ka" humagalpak siya ng tawa kaya ay binusalan ko ang bibig niya ng seaweed.Natahimik naman siya, buti nga sa kanya.
"Alam mo Cia? Ang sama mo!" Pilit niya tinatangal yung kumpol ng seaweed na nasa bibig niya. Natawa nalang ako sa reaction niya, ang cute kasi. Isang sireno na may maraming seaweed sa bibig.
"ABA! Ikaw yung masama!" I pouted. How dare he!
"Sorry na. Di na po maaulit." Mahinahon niyang sabi sabay pout. Nak ng bibe, ngayon lang ako nakakita ng isda na mukhang bibe.
"wag ka ngang ganyan Lio, Para hybrid na isda."
"Anong hybrid na isda?" Takang tanong niya sa akin.
"Oo, para kang bibe na isda ganun!" tumawa ako ng malakas kaya napikon ko ata at bigla akong binuhusan ng buhangin!
Buti nalang at di basa yung buhangin kundi mag bibihis na naman ako pag uwi ko.
"Bibe na isda pala ah!" Tumawa lang ang hinayupak napaka walang hiya talaga neto!!!Tumayo ako at umambang aakyat ng rock formations ng magsalita siya.
"aalis kana agad? Kakakita lang natin ah?" Agad naman akong napalingon sa kanya. Nakita ko yung mga mata niyang kulay lila na mistulang nag mamakaawa na mamaya na ako umuwi.
Tumabi ako sa kanya at naramdaman ko siyang naninigas.
"Lu-lumayo ka nga!" Tinulak niya ko ng mahina para mabigyan ng space ang pagitan naming dalawa.
"Bakit ba? Eh magkaibigan naman tayo!" sigaw ko sa kanya at hinampas siya.
"Yun na nga eh! Pano kita maging kaibigan kung ang lakas ng tibok ng puso ko!" Nung sinabi niya ang mga salitang iyon, ako ay tila naninigas sa inupuan ko at di makapag salita.
Nakita ko lang na umilas yung kwintas na soot ko na nagging kulay pula na pala ito..
YOU ARE READING
MYSTIQUE IN THE SIREN'S EYES
FantasyA love that is bound to end from the start, Would they risk their young hearts? Falling in love is ecstatic,but falling in love with a siren is surreal.