Chapter 14

6 1 0
                                    

Lucia's POV

Naka simangot akong naglalakad sa dalampasigan at nakatingin lang sa aking mga paa na nababasa ng mga alon.

"Cia. Iha" napatingin ako ng makita ko si Tita Amanise na naglalakad din.

"Tita." ngumiti ako ng pilit sakanya dahil wala ako sa mood para ngumiti ng totoo.

"Where have you been?" Takang tanong niya sa akin.

"Jan lang po sa gilid tita nag lalakad para narin di ako ma bored." Palusot ko baka kasi sasabihin kay mommy saan ako galing papagalitan pa ako.

"Ahh ganun ba." Tumatango ito at ngumiti sakin.

"Dun po tayo sa bench tita, baka mangagalay yang paa mo."

"How sweet, Lead the way iha." Agad akong naunang mag lakad sakanya habang siya naman ay nakasunod lamang sa aking likuran. Nakita kong naging violet yung kulay ng kwintas kaya ay napalingon ako kay tita kung nakita niya ba, kaso sobrang busy niya kakatingin sa dagat.

"Tita ikaw ang mauna umupo." I told her. Agad naman siyang umupo. Ang gaan lang ng loob ko sa kanya. Ganyan rin kaya yung anak niya?

"Alam mo? Habang iniisip ko, feel ko talaga bagay kayo ng anak kong yun."

"Anong klasing tao po ba siya tita?"

"isang matahimik na tao, minsan lang naming nakakausap pero alam ko mabait yung batang yun, kaya di ko maintindihan iha kung bakit nalang siya biglang nawala."

"pasensya na po ah? Pero di kaya ay patay na siya?"

"hindi iha alam ko, alam kong andyan lang siya sa karagatan at alam kong babalik din siya sa amin."

Magiliw kausap si tita masyadong mahinhin pero may side siyang napaka loka kaya ay nag click agad kaming dalawa.

Pero sa gitna ng pag uusap namin dalawa may bigla nalang dumating na hindi ko inaasahan.

"Alam mo iha? Nuon umiiyak yun pag di ako nakita kahit naka diaper lang yun lalabas yun ng bahay at hahanapin ako sa gar-"

"Cia." Lio, who has legss, in front of us dressed in his casual clothing. Saan niya ba napulot yon?

"Oh Lio! Bat andito ka?" taking tanong ko sa kanya kasi hindi naman Full moon kaya nakakapagtaka bakit siya may paa ngayon.

"anak?" nagulat ako ng bigkasin yun ni tita, dahan dahan siyang lumapit kay Lion na lumuluha.

Si Lio naman ay walang magawa kundi ang tumayo don tila naguguluhan kung ano ang nangyayari. Ako din naguguluhan kung bakit niya tinawag na anak si Lio.

"Sorry po pero wala po akong mga magulang." Napahagulgol si tita ng marinig niya kung ano ang sinabi nito. Kaya agad akong dumalo sa kanila at pilit na inilayo si tita kay Lio.

"No! It can't be! Buhay ka! ARTURO!!!!!!!!!!!!!!" sigaw niya pero bago yun ay bigla na lamang siyang nawalan ng malay . buti nalang at nasalo agad siya ni Lio.

Authors Note:Guys medyo busy ako dahil may mga school works kaya i'll try my best to really update the story knowing na may gustong malaman ang mga sumusunod na chapters.

MYSTIQUE IN THE SIREN'S EYESWhere stories live. Discover now