Chapter 38

20 2 0
                                    

Lucia's POV

Simula kanina ay hindi ko na alam kung ano talaga ang gagawin ko! For God sake para akong tinamaan ng kidlat sa isang araw. Sino ba naman ang hindi magkakaganito sa pasabog ni Tita. Iminasahe ko ang sintido dahil mistula itong kumirot.

Tumnog yung office phone ko kaya ay agad ko itong sinagot.

"Ma'am, may naghahanap po sa iyo." Sabi ni May sa kabilang linya.

"Sino? Wag mo munang papasukin May, masakit ang ulo ko. I can't entertain anyone as of the moment." Agad kong binaba ang tawag at sinimulang mag halukay sa loob ng mga drawers ko, baka may makita akong gamot pampawala ng sakit ng ulo ko. To no avail, ni isa ay wala akong makita kaya ay no choice ako kundi masahi-in nalang ang ulo ko kaya ay napapikit ako.

"May, sabi ko wag kang magpapasok." Inis kong tugon, pa din itinuon ang pansin sa taong pumasok.

"You have a head ache and you didn't texted me." Matigas na ani ng kung sino man ang nandito, rinig ko ang kaluskos ng plastic kaya ay ibinuka ko ang mga mata, only to find out that Lio was inside the room. Pansin kong may dala siyang plastic bag na nakalapag sa vistors table ko at isang bottled of water.

Binuksan niya nag bottled of water at kumuha ng isang tabletas, matapos ay binigay niya sa akin. Agad ko naman itong kinuha sa kamay niya ini-nom ka agad. Matapos uminom ay binigay ko sakanya ang tubig, agad naman itong tinakpan at binalik sa plastic.

"That should be fine for now." Dahan-dahan siyang nag lakad patungo sa gilid ko.

"Anong ginagawa mo diyan?"

"Move, dun ka sa sofa para marelax yang ulo mo." Dahan-dahan akong tumayo para na din hindi maalog ang utak ko at baka sumakit na naman.

"Huy! Ibaba moko!" Binuhat niya ako ng mapansin niyang ang babagal ko mag lakad.

"No, Ang bagal mo mag lakad, sinabi mo nalang sana na kargahin ka." Tila walang hirap niya akong binuhat galing sa table ko papunta sofa. Inilapag niya ako dahan dahan at agad inayos ang soot kong pencil skirt pero ng mapansin niyang medyo maiksi pa din ito ay hinubad niya ang kanyang coat at tinakip sa binti ko.

Umupo siya sa ulohan ko at minasahe niya eto. Sa sobrang relaxing ay dinalaw ako ng antok.

"Thanks." Mahina kong ani at Inipikit ko ang mata ko ng tuluyan ako hinila ng antok.

Nagising ako ng naramdaman kong gumalaw ang ulo ko, pagbukas ko saking mga mata nakita ko si Lio na inu-unat ang kanyang ulo nangangalay.

"Lio." Tawag ko sakanya kaya ay napahinto siya at tumingin sa akin. Ngumiti siya sa akin kaagad.

"Gising kana? Okay na ang ulo mo?" Sunod-sunodan niyang tanong sa akin.

"Hmm okay na ako, salamat pala." Umupo ako galing pahiga, agas naman niyang hinawi yung mga buhok na tumakip sa pagmumukha ko.

"It's already 6 in the evening." Sabi niya, sa pagod na din siguro kaya ay nakatulog ako sa mahabang oras. Mabuti na din yun at nakapagpahinga na din ako, pero siya hindi.

"Wala kabang trabaho?" Takang tanong ko sa kanya. He should be at the office right now kagaya ni Leo.

"Hmmm Hindi ako si Leo, I'm more on investment." Agad niyang tinupi yung polo niya at tumayo. "Tara na, we should eat already, baka sasakit na naman yang ulo mo. Di mo talaga inaalagaan sarili mo." He was nagging pero narinig ko din ang buntong hinga niya,

"Tara.Pakikuha ang handbag ko sa mesa. Thanks" Tumayo ako at binigay ang kanyang jacket sa kanya.

"Wear it, baka malamig sa labad." Napamulsa siya habang nasa braso yung bag ko. Kumunot ang noo niya ng mapansing tumawa ako.

"You're manly, but your holding my bag kayaa.." Ng mapansin niya ay agad niyang ibinigay sa akin ang bag. Kinuha ko ito at chineck muna kung nasa loob ba lahat ng gamit ko baka ay may makalimutan ako.

Pinauna niya akong mag lakad, wala na si May pagkalabas ko. Nakauwi na din ata. Konti nalang din ang tao sa building. Ng makarating kami sa Lobby ay bumati ang guard sa akin.

"Buti naman po ma'am at okay na kayo. Si sir kanina ay ntaranta kakahanap ng pharmacy sa malapit." Magiliw na ani nito, nilingon ko naman si Lion na napakamot sa kanyang batok.

"Sabing secret natin yung guard eh binuko mo naman ako!" maktol pa ni Lio. Napatawa naman si guard.

"Bagay kayong dalawa ma'am." Biglang ani nito kaya ay natigilan si Lio, pati na din ako. 

"Dahil diyan guard, kung masibak  ka sa kompanyang ito. Pwede kang magtrabaho sa kompanya namin!" May gana pa talagang mang recruit ang mokong.

"Sana naman po ma'am ay alagaan niyo din si Sir, ambait po niya eh. BUti na din t at dumating si sir kanina." sincere na ani nito pero parang inisales talk si Lio.

"Oo nga po eh, Buti nalang dumating siya. Una na ho kami. Ingat po." Matapos kong sabihin yun ay naunang maglakad si Lio papuntang sasakyan, pinagbuksan niya ulit ako ng pinto.

"You were worried about me huh? Pano pag nalaman ni Leo yang pinag-gagawa mo?" Tukso ko sakanya. He scoffed and rolled his tongue in his mouth. Lumapit siya sa akin ng ilang dipa nalang ay halos hahalikan na niya ako.

"Love, You aren't marrying him. You're marrying me. I swear." 

_______________________________________________________________________

Hello sa inyo! If ever na gusto niyo din mag basa ng isang story besides nitong MITSI ay maari kayong mag check ng ibang on-going story ko. 

MYSTIQUE IN THE SIREN'S EYESWhere stories live. Discover now