Chapter 7

7 0 0
                                    

Lucia's POV

Basang basa na kaming dalwa ni Enzo sa ulan. Siya nakatayo nakatingin sa dagat habang ako naman nakatingin sa likod niya. Alam ko kahit di siya lumingon, pilit niyang pinigilan ang paghikbi.

"Enzo? Kailan pa?"

"3 years ago Cia, tatlong taon na akong nangulila na makita siya ulit at ibalik siya ng karagatan sa piling ko." Bumuntong hinga siya sabay pahid sa kanyang mga luha. Ngayon lang ako nakakita ni Enzo na nahihirapan, palagi ko kasi siyang nakikitang seryoso at kailan man di ko alam na may dinadala siyang paghihirap.

"Anong nangyari?" lumingon siya sakin at tiningnan niya ang kwintas ko.

"Masaya kami nun eh, binigay din niya sa akin ang kanyang kwintas na nag sisilbing puso nila."

"Ano?!" napatayo ako nang margining ko iyon.

"Totoo yan, napansin kong kulay pink yan nung una ngunit ngayon nagging pula na. Ibig sabihin niyan nahuhulog na ang loob nung sirenong iyon sa iyo. Kaya ikaw Cia, wag kang tumulad sakin wag mong ipilit ipag laban ang pagmamahalan na kalian man di ibibigay sa iyo." Nag lakad siya papalapit sa akin at ginulo ang buhok ko.

"tara na." dagdag niyang ani.

"mauna kana Enzo, susunod din ako. Pakisabi nalang kay mommy na uuwi din ako mamaya. Kailangan ko din makapag isip." Di ko mapigilan mapaisip kung gaano kahirap ang pinag daanan ni Enzo nung panahong busy ako sa pag eskwela at kung gaano siya kalakas para kimkimin yung sakit.

"Ba't andito ka?"

"Aba puta!" Nabigla ako ng nakita ko si Lio sa ibaba ng rock formation. Kalahating katawan niya ay nasa tubig, naka ngiti habang nakatingin kung nasan ako ngayon.

"Sagutin mo ang tanong ko Cia, Delikado dito sa oras na ito.

"Sabi niya habang nag aabot ang dalawa niyang kilay. Para siyang si Enzo kung mak asta.

"mag iisip lang ako Lio. Uuwi rin ako."

"mag iisip ng ano?"

"mag iisip kung sasagutin ko ba yung inaalok na kasal nila mama para sakin" Nakita ko siyang sumimangot at umirap kaya napatawa ako.

" Ano? Inaalok ka para magpakasal?"

"oo hehehe" pilit akong ngumiti kasi nakita kong umigting yung panga niya.

"Aalis na ako." Bigla niyang sabi at lumangoy papalayo. Bigla naman akong na alarma kaya ay dali dali akong bumaba sa tuktok ng formation.

Napasigaw ako ng bigla kong nabitawan ang hawak ko sa bato. Bigla akong kinabahan at napasigaw.

"AHHHHHHHHHHHHH POTAAAA-" natahimik ako ng biglang nahulog ako sa mga bisig ng isang tao. Pag lingon ko, nakita ko si Lio buhat-buhat ako.

"Mag iingat ka kasi Cia." Sabi niya habang tiningnan yung mukha ko, kaya di ko napigilan na hawakan ang mukha niya at tumingin sa mga mata nito. Naputol lang ang pagtitig ko sa kanya ng bigla niya akong binaba kaya ay napatingin ako sa kabuuan niya.

"HOY GAGO KA! BAT KA NAKAHUBAD!!" napasigaw ako kaya ay pumulot siya ng malaking shell at tinakip sa ari niya. Jusqpo lord bat naman ganito.

MYSTIQUE IN THE SIREN'S EYESWhere stories live. Discover now