Chapter 11

6 1 0
                                    

Lucia's POV

"Lucia." napatingin ako ng kay Enzo ng bigla nalang siyang nasa harapan ko. Agad naman akong umupo sa duyan at tiningnan siya.

"sorry kanina." sabi niya sabay upo sa tabi ko,umisog naman ako para mag kasya kaming dalawa sa duyan.

"Sorry din Enz."

"Gusto ko lang naman na protectahan ka Cia, sana maintindihan mo yon" mahinahon niyang sabi.

"ayaw ko lang masaktan ka kagaya sakin. Mahirap kasi Cia, alam mong buhay siya pero kailan man di siya makakabalik na sa piling mo." dagdag niyang sabi,kaya ay napalunok ako. Tila ba ay bumibigat ang pakiramdam ko sa pinag sasabi niya.

"Summer non nang mahulog ako sa isang kagaya niya." nilingon ko siya ng mapagtanto na sasabihin niya sakin kung ano ang nangyari sakanila.

"Enz alam kong mahirap kaya wag mong pilitin na sabihin sakin."

"No, I have to tell you so that I can set my inhibitions free. Para di na din mahirap sakin." tumango lang ako sakanya .kaya pinagpatuloy niya ang sasabihin niya.

"Kung sa rock formations kayo nagkakila,samin sa Kweba naman dun sa kabilang bahagi. Gusto ko lang makipagkaiban sakanya nun. Kasi sino ba naman ang di matutuwa na may kaibigan kang sirena. Ngunit habang tumatagal Cia, nahuhulog ang loob ko sakanya. Binigay niya rin sa akin ang kwintas niyang kulay dilaw. Katulad sa mga mata niyang parang isang paraiso na mistulang hinihila ako sa loob. Masaya kami nun eh, sobrang saya pinakilala ko pa siya kay manang bilang kaibigan ko. Ngunit dumating yung isang araw na sinabihan ko siya na mahal ko siya at ganun din ang nararamdaman niya. Bigla nalang siyang nawala na parang bula." napaiyak ako ng maranig ko ang kwento niya.

"Di mo ba siya pinaglaban Enz?" natawa siya sa sinabi ko.

"Paano ko ba siya ipaglaban kung di ko alam saan siya galing. hindi lang talaga kami itinadhana na magkatuluyan pero masaya ako na itinadhana kami Cia." ngumiti siya kaya mas lalo akong napaiyak. Pano niya nakaya yun sa loob ng tatlong taong pangugulila sa isang mahal mo na kailan man ay di mo na muling makapiling pa.

"Enz, makakahanap ka din ng mas higit pa sa kanya yung kaya mo nang ipaglaban."

"hindi, walang hihigat pa sa kanya Cia. Mahal ko siya at wala akong planong humanap ng iba. Masaya na ako kahit alam kong nasa karagatan lang siya."

"Pano kung lumalaban siya para sa inyo? Pero di rin siya binigyan ng pagkakataon na maipakita yon sa iyo?"

"Wag mokong paasahin Cia, iba ang sakit na alam mong buhay siya pero di siya pwede sa piling mo."

"Oo na sus" yun lamang ang nasabi ko sa kanya kaya ay ginulo niya ang buhok ko at sinandal sa balikat niya.

"di kita pipigilan sa nararamdaman ko sa sirenong yon Cia, pero pag di mona kaya ang sakit at hirap sa oras na umalis siya sa piling mo. Nandito lang ako para sayo." humikbi ako muli ng marinig ko ang mga sinasabi niya kaya ay yinakap ko siya. Inalo niya namn ako.

Pinahid ko yung mga butil ng luha nanatira kakaiyak ko. Natatawa naman si Enzo kaya napangiti nalang ako kahit tumutulo yung sipon ko uhuhuu.

"wag kanang umiyak diyan para namang ikaw yung iniwan ah." natatawang ani niya kaya hinampas ko siya sa balikat."

"pero yung totoo Enz, mahal mo paba siya hanggang ngayon?"

MYSTIQUE IN THE SIREN'S EYESWhere stories live. Discover now