Lucia's POV
Lumalangoy lang kaming dalawa ni Lio , malapit lang sa yate. Ngunit nagtaka ako kung bakit kahit nasa tubig siya ay hindi pa din siya nagkaroon ng buntot, ipinagwalang bahala ko nalang tutal ay nasa tabi ko naman siya.
Nagkulitan kaming dalawa ni Lio ng makita namin si Enzo sa railing hawak yung camera na pinadala ni mommy sa akin kanina.
"Both of you pose. I'm gonna take a picture." sabi niya samin. pumwesto naman agad si Lio sa likod ko at niyakap niya ako. ngmuti ako sa camera at ng marinig yung click sound ay agad nag bago ang position namin dalawa. may isang naka akbay siya sakin, may isang naka kurot siya sa mukha ko na parang kinukurot. ibat ibang uri ng pose ang ginawa namin bago pumasok si Enzo sa loob.
Pinatuloy namin ang aming kulitan bago namin napagisipan na lumagoy sa ilalim.Habang nasa ilalim kami ng dagat ay nakita ko si Lio na lumangoy pababa pa kung nasaan kaming dalawa, mukhang may kinuha siya sa ilalim. Agad naman siyang umahon kaya ay umahon din ako.
"Cia, may ibibigay ako sa iyo." Sabi niya sakin.
"Ano?" agad niya naman pinakita sa aking ay puting perlas, yun ata ang kinuha niya kanina.
"Wag mo din itong iwawalaa ah? pareho dyan sa kwintas mo ingatan mo din ito." sabi niya at binigay niya sa akin. Nang makuha ko iyon ay agad akong lumangoy papunta sa yate upang ilagay ito sa bag, baka kasi mawala sa dagat mahirap na.
"Cia, tapos na kayo?" Tanong ni Enzo ng makita kaming dalawa ni Lio sa loob. naka upo siya ng naka dekwarto at nagbabasa ng libro. kahit kailan talaga palaging libro at laptop ang hawak niya o kundi tinitingnan.
"Bakit?"
"Napagisipan ni Lio na pumunta sa isang resort jan sa malapit." sabi niya kaya ay tumango lamang ako. sinuot ko ang bathrobe ko upang di ginawin.
He maneuvered the yacht at the port of the resort.
"Ogtong Cave resort." basa ko ng maka baba na kami sa yacht, lahat ng tao ay naka tingin sa amin. lalo na kay Lio kaya ay sumimangot ako. Chick magnet yung isda ah.
"Wag kang sumimangot diyan." he snaked his hands on my waist kaya ay napalingon ako sakanya. "sobrang selosa mo naman." dagdag niya at kinurot yung ilong ko.
"Tara na." sabi ni Enzo hawak hawak ang camera. kaya ay sumunod kami sa kanya. He was just taking picture of us and the view kaya ay nagtaka kami kung bakit siya huminto. Para siyang nakakita ng multo na naiiyak.
"Enz? you okay?" kinalas ko yung hawak ni Lio at lumapit kay Enzo, ngunit nabigla ako ng bigla siyang tumabko papalapit sa isang babaeng nakasoot ng puting beach dress.
"Clarice." rinig kong sabi niya kaya ay napa takip ako sa aking bibig. kahit si Lio ay nagulat rin.
"Do I know you?" tanong nung babae ngunit bago pa makasagot si Enzo ay may humila na sa babae, kaibigan niya ata. Naka green naman itong beach dress.
"Clarice, tita is looking for you."
"Oh sure, sorry ah? pero I don't think I know you. you must mistake me for someone else. Excuse us." Sabi nung babae at agad silang umalis dalawa.
Si Enzo naman ay nakatunganga pa rin kung saan nandun ang babae. lalapitan ko sana kaso pinigilan ako ni Lio.
"Give him time to take everything in Cia." sabi niya kaya ay dahan dahan akong tumango.
YOU ARE READING
MYSTIQUE IN THE SIREN'S EYES
FantastikA love that is bound to end from the start, Would they risk their young hearts? Falling in love is ecstatic,but falling in love with a siren is surreal.