Lucia's POV
Di ko alam kung bakit niya ako pinigilan na huwag pumunta doon sa tagpuan namin ni Lio. May alam ba siya kung bakit ito naging itim?
"Enzo! Bakit?" sabi ko sakanya. Pero patuloy siyang naglakad at di ako pinansin kaya hinila ko siya upang humarap sakin.
"Ate moko! Kaya respetuhin moko! Tinatanong kita kung bakit!"
"Wag mo nang alamin Cia." Pilit niyang alisin ang hawak ko sakanya kaya mas lalo ko itong hinigpitan.
"Bakit nga sabi!" napasigaw na ako kaya nakita kong lumingon sila mommy sa aming gawi.
"Bakit bah gusto mong alamin ha!" nag sisigawan na kaming dalawa ni Enzo, na minsan ay hindi namin ginawa lalo nat nandito sila mommy at daddy
"I need f***king answers Enzo! Hindi ako manghuhula!"
"No! I cant tell you that!"
"Why?!"
"I am just protecting you Cia!"
"Protect me from what?!"
"Protect you from experiencing that I have onced experience!" sigaw niya ang umalingawngaw sa bahay.
"Cia, Enzo! Gumaganyan kayo lalo nang may bisita tayo!" Yumuko ako sa sinabi ni daddy. This is the first time it happened at may mga bisita pa.
Nakita ko si Enzo na malalaking hakbang palabas ng mansion. Gusto ko man siyang sundan ay di ko magawa. Gusto ko siyang bigyan ng space na gusto niya. Mag uusap lang kami pag umuwi na siya at nahimasmasan na kaming dalawa.
Nagpatuloy akong maglakad paputang dinning area,nakita ko ang pag alala sa mga mata ni Tita Amanise.
"Sorry po. May hindi lang kami pinagkaintindihan"
"That's okay iha." ngumiti si tita kaya ay napanatag ang loob ko,ngunit ng lingunin ko si mommy, she has that strict look on her face tila bang di niya gusto ang asta naming dalawa ni Enzo.
"So lets start eating na." Sabi ni mommy
Agad namang nag serve yung mga maids namin sa mga pag kain. Nakayuko lang ako habang kumakain. Pinag uusapan nila ang Cargo business namin at ang Cruise ship nila tita. Di na ako umusisa at patuloy nalang kumain,di ako interesado sa business namin dahil andyan naman si Enzo na mamamahala,in short I can do what I what.
Pagkatapos namin kumain ay agad naman umuwi sila tita kaya napasyahan kong mag tambay muna sa dalampasigan,tutal ay may duyan naman doon para na rin makapag relax ako.
Habang nakahiga ako sa duyan pilit ko iniisp kung bakit ayaw sabihin sa akin ni Enzo kung ano ang dahilan bakit nag iibang kulay ang perlas na kwintas.
Sumagi nalang sa isip ko ang sinabi ni Enzo na, puso nila ang perlas na ito. Kaya ba nag iiba ang kulay nito dahil iba din ang nararamdaman ni Lio?
YOU ARE READING
MYSTIQUE IN THE SIREN'S EYES
FantasiaA love that is bound to end from the start, Would they risk their young hearts? Falling in love is ecstatic,but falling in love with a siren is surreal.