Lucia's POV
"Aray naman!" Bigla kaming napalingon ng may biglang sumigaw.
"Gawa mo diyan Enz?" Nakita naming siyang nakatago sa mga bushes.
"Di naman kayo nahiya sakin! Naglampungan pa talaga kayo! May label ba kayo ha??!" Napatawa ako sa paratang sinabi ni Enzo, parang tanga talaga.
"Wala, inggit pikit." Pinagparan niya yung damit niya at lumakad papunta sa gawi namin, nasa kandungan parin ako ni Lio.
Umupo siya sa isang duyan na nasa tabi namin. Bumuntong hinga siya at yumuko.
"Para kayong mag jowa no? akala mo naman may label." Asar niyang tugon kaya ay napatawa si Lio, Hinigpitan niya ang yakap niya sa akin dahil sa lamig ng hangin.
"Kwento ka tungol sa inyo ni Clarice." Sabi ni Lio kaya ay tumingin ako kay Enzo.
"Ayun, bigla lang siyang nawala. Isang araw pag punta ko sa Cave. Nag antay ako hanggang gabi pero di siya dumating. Patuloy ko yun ginawa araw-araw. Minsan ay pupunta ako sa Laot dala ang Yate, with the hope of finding her. Pero now? I give up. Ayaw kong pilitin kung ayaw sa amin ng tadhana." Mahina siyang tumawa.
"Babalik yun sa piling mo." Siguradong tugon ni Lio. "Antayin mo, dadating yun balang araw." Tumango naman si Enzo.
"Oh siya, pasok na ako sa loob. Pagpatuloy niyo yan, sana all" Sabi niya samin dalawa at naglakad pabalik sa bahay.
"Cia, may pupuntahan tayo bukas. Dalhin mo yung yate nyo. Mag soot ka rin ng rash guard." Nagtaka ako kung bakit pero tumango ako. Niyakap niya ako habang sinandal yung panga niya sa aking leeg. Walang ni isang nagsalita sa amin dalawa pero damdam naming yung mapaya na gabi.
"CIa, kailangan ko ng umuwi." Agad naman ako napatayo at inayos yung soot ko. Tiningnan ko siya.
"Di kaba nangangalay?" umiling naman siya. At nilapitan niya ako.
"Mag iingat ka Cia, Kita tayo bukas." Hinalikan niya ako sa noo.
"Oo ingat ka rin Lio." Naglakad siya papunta sa rock formations. Kaya nang mawala na siya sa paningin ko ay pumunta na ako sa bahay.
Nang makapasok na ako sa bahay, wala ng tao sa sala. Nasa kanya kanyang kwarto na sila lahat kaya napasyahan kong pumanhik na rin. Nang makarating ako sa kwarto, napansin ko yung phone ko na nag vivibrate ko. Nang buksan ko ito, nakita ko sinend ni mommy yung picture naming dalawa ni Lio kanina. Yung magkayakap kaming dalawa. Napangiti naman ako.
YOU ARE READING
MYSTIQUE IN THE SIREN'S EYES
FantasyA love that is bound to end from the start, Would they risk their young hearts? Falling in love is ecstatic,but falling in love with a siren is surreal.