Lucia's POV
Lahat kami ay patuloy lang na kumakain pagkatapos ng tanong na yon. Sino ang inaantay niya na maging handa? May iniibig na kaya si Lio? Pilit ko inalis yung mga katanungan yon sa isip ko. Ang galing niyang humarot pero may inaantay pala.
"Anong iniisip mo Cia?" bumulong siya ngunit lahat ng nasa hapag ay narinig yun.
"Alam mo?" Tinaasan ko siya ng kilay.
"Na ano?"
"Na chismoso ka." Umirap ako kaya ay kiniliti niya ako. Nasapak ko na naman tuloy siya, ayan kasi.
"Maya na kayo mag harutan Iha, nasa hapag tayo." Biglang sabat ni mommy kaya ay napalingon kami sa kanila. Lahat sila ay nakatingin samin tila bah ay nanonood kung ano ang ginagawa naming dalawa. Nakita ko naman si Enzo na nagpipigil ng ngiti niya.
"Oo nga, sa hapag pa talaga." Sabat naman ni Enzo kaya ay pinalakihan ko siya ng mata.
"Inggit pikit." Bumelat naman ako sakanya kaya ay ngumuso si Enzo, Si Lio naman ay naka ngiti lamang.
Napuno ng asaran at tawanan yung dinner namin kanina, kaya ngayon ay nasa labas na kami dalawa ni Lio, naka upo kaming dalawa sa duyan habang tinatanaw yung malawak na karagatan kabilang na din yung maliwanag na buwan.
"Lio?" basag ko sa katahimikan naming dalawa.
"Hmm?"
"Pano ka nagkaroon ng paa kanina? Diba sabi mo pag maliwanag lang ang buwan maari niyong hilingin na magkaroon ng paa?" Takang tanong ko sakanya, bumuntong hinga siya.
"Ewan, nang umalis ka kanina mabigat ang loob ko tas di ko lang namalayan nagkaroon ako ng mga paa."
"Bat naman mabigat ang loob mo"?
"Eh di ko alam, bigla nalang ganun nung umalis ka at iniwan moko."
"Aysus kwento mo sa pagong."
"aysus nag seselos ka lang kay Nori." Di ako makapagsalita. The nerve of this fish! I am so not jealous!
"Di ah! Ambisyoso mo!"
"Sus nag iba yung mood mo nung nasali si Nori!" untag niya, napairap naman ako at din na nagsalita.
"Wag kang mag alala, di ko gusto yun! Ikaw ang gusto ko." He pinched my nose, and he laughed. Tila bang natutuwa kung ano ang pinag-uusapan namin.
"Anoo?"
"ikaw ang gusto ko, hindi siya" pag uulit niya sa sinabi niya. Pinagdiinan niya pa ang bawat salita.
"Ahhhh." Napahawak ako sa batok ko dahil di ko alam kung ano ang sasabihin.
"Oo pero maganda rin siya at mabait"
"Ayan na namang Nori na yan! Dun ka! Mag sama kayo kahit saang klasing tubig man kayo magtampisaw!" Tumayo ka agad ako sa duyan pero agad niya naman akong hinila at napunta ako sa kandungan niya.
"Napaka selosa naman." Sabi niya at dinantay yung ulo niya sa leeg ko.
When someone sees our position right now, mag aakala talag silang mag jowa kami. Eh wala naman kaming label dalawa.
"wag kanang mag selos, nasayo naman ang puso ko Cia." Wala akong masabi dahil sa lakas ng tibok ng puso ko. Pero alam kong naririnig niya iyon, ang puso kong sumisigaw sa pangalan niya.
YOU ARE READING
MYSTIQUE IN THE SIREN'S EYES
FantasíaA love that is bound to end from the start, Would they risk their young hearts? Falling in love is ecstatic,but falling in love with a siren is surreal.