Lucia's POV
"Oo naman Cia, mula nuon hangang ngayon"
"Bat di mo sinabi sa akin tungkol niyan nuon Enz?"
"Takot ako Cia, baka ay pagtawanan moko kaya inilihim ko ito."
"nga naman" tumawa ako ng kaunti at pinikit ang aking mga mata. Ninanamnam ang ganda ng panahon.
Yun lang ang naging position naming dalawa ni Enzo hangang di namin namalayan ang oras lumipas na pala.
"Cia, diba mag kikita kayo ngayon?" biglang tanong niya kaya ay napadilat ako.
"Oo bakit?"
"Anong oras na oh,baka di mo siya maabutan don." agad naman akong tumayo kaya ay bigla siya at agad napahawaks sa gilid.
"Cia naman!" ungot niya sakin.
"HAHAHAHA PEACE" sabi ko at agad tumakbo papunta sa daan kung saan ang mga rock formations.
Nang dumating ako dun. Walang Lio akong nakita. Ni anino niya ay di ko makita. Umupo nalang ako at hinantay siya baka ay dadating din kalaunan.
"Ba't kapa pumunta dito?" napalingon ako ng marinig ko ang boses niya. Nakita ko siyang nakahalupkip at nakatingin kung nasaan ako ngayon.
"Anong ibig mong sabihin?" Agad siyang lumangoy papalapit sakin.
"Diba itinakda kanang ikasal? Bat kapa nandito?" nakakunoot noo akong tumingin sakanya.
"Pinagsasabi mo diyan isda?"
"yung ikakasal sayo!" inis niyang sabi.
"Sino?!" napakutkot ako sa buhok dahil di ko talaga alam kung ano ang pinagsasabi niya.
"Yung kasama mo kanina! Maypasandal kapa sa balikat niya! Akala mo naman gwapo!" sigaw niya,
"HAHAHAHHAHAHAHA" di ko na talaga napigilan ang tumawa ng malakas sa pinagsasabi niya.
"Wag kang tumawa walang nakakatuwa!" napairap naman siya kaya ay napangiti ako.
"Ahh si Enzo bah?"
"Wala akong paki alam Cia."
"Galit kana sa lagay na yan?" napa taas ako ng kilay ng makita siyang nakabusangot .
"pake mo bah? Aalis na nga ako." sinubukan niyang umalis kaya ay pinigilan ko siya.
"Wag kang mag alala kapatid ko yun para kang taanga" nakita ko ang gulat sa mga mata niya.
"Nak ng! Selos na selos pako tas kapatid mo lang pala?" Nagulat ako sa pinagsasabi niya.
YOU ARE READING
MYSTIQUE IN THE SIREN'S EYES
FantasyA love that is bound to end from the start, Would they risk their young hearts? Falling in love is ecstatic,but falling in love with a siren is surreal.