Lucia's POV
Napatulala ako sa sinabi niya. Ano ba ang ibig sabihin nun? Simula nung makilala ko si Lio ganyan na si Enzo maka asta.
Binalewala ko nalang ang kanyang sinabi at patuloy pumasok sa kwarto. Nag bihis ako at napasyahan kong matulog dahil na rin sa pagod kanina. Nakangiti ako habang nakahiga sa kama nang pumasok si Lio sa isip ko. Di ko din namalayan ang pag hawak ko ulit sa kwintas.
Bakit kaya kumulay pula ito?
"Lucia, Iha. Mag hahapunan na kayo" Di ko namalayan na nakatulog ako at nagising ako ng marinig ko ang katok ni manang sa labas. Agad akong bumagon at binuksan ang pinto.
"Manang, pasensya at nakatulog ako bigla." Ngumiti lang si manang
"halina at hinihintay kana ng mga magulang mo." Agad umalis si manang pagkatapos niyang sabihin sakin yun, sumunod din naman ako sakanya sa baba.
Nang makadating ako sa dining area, nakita ko si mommy na sobra makangiti, pati na rin si papa pero si Enzo ay tahimik lamang ito. Liningon niya ako kaya ay ngumiti ako sa kanya.
"Cia. We have something to tell you." Sabi ni mommy paupo palang ako.
"What is it mom?" Takang tanong ko sakanya. I feel like they have won a lottery or something para maging ganyan sila kasaya.
"We found the one iha!" Magiliw na sabi ni mama, nakita ko naman si Enzo na napairap siya.
"Found what mommy?" Nakatitig lang ako kay mommy at hinintay kung ano ang sasabihin niya.
"We found someone that is suitable sa iyo iha." Ngumiti si dad.
"Dad, if this is about that arrange marriage you're both planning for Cia. Stop it. Di ako natutuwa." Biglang sabat ni Enzo. I was just frozen in my seat, walang gusto lumabas sa bibig ko at di ako makapagsalita.
Parang kalian lang, they sheltered me and kept me away from boys. Ngayon naman gusto na nila akong ipakasal sa kung sino man iyon.
" Enzo! Stay out of this! Besides, di naman agad ipakasal. Engagement muna. Saka na pag tapos na si Cia mag aral ng kolehiyo." Mahinanong sabi ni mommy. Akala ko ay mag sasalita na naman si Enzo, pero hindi nanatili siyang tahimik.
Kaya di ko napigilan ang tumayo sabay hampas ng dala kong kamay sa lamesa.Mommy stopped slicing her steak and looked at me with her stern eyes. Di ko mapigilan ang mga luha na gustong kumawala sa mga mata ko.
"Sit down Cia. Im not happy with what you're doing right now." Sabi ni Dad kaya tumakbo ako paalis sa dinning area papunta sa double doors. I have to get out of here, di ko gustong makasal sa kahit na sino. At wala akong plano magpakasal.
Narining kong sumunod si Enzo sakin kaya binilisan ko ang takbo ko. Narining ko siyang sumisigaw ngunit sarado ang aking isipan sa mga sasabihin niya. What does he want? He wants me to marry the man they are saying who is suitable for me? No! di ako papayag.
"CIa! Stop!" pilit niya akong hinahabol habang sumisigaw.
Tumakbo ako papuntang rock formations at dali dali umakyat. Nakasunod pa din si enzo sakin.
"Cia! Mahuhulog ka diyan!" Sigaw niya sakin kaya mas binilisan ko pang umakyat.
Nang makarating ako sa tuktok, nakita ko ang kaninang dagat na matiwasay ay may malaking alon na. Ang kaninay magandang panahon bigla nalang kumidlat. Napahagulgol ako, umupo sa tuktok nakatingin sa Laot. Bawat hagulgol ko ay siyang pag lakas ng mga alon sa dagat. Its as if naintindihan nila kung ano ang nararamdaman ko.
"Cia," alam kong nasa likuran ko lang si Enzo pero di ko siya nilingon.
"Umalis ka Enzo, wag mokong guluhin please lang. " yumuko ako sabay pagtulo sa mga bagong luha.
Lumakad siya papuntang harap ko, at naka tingin sa laot.
"Cia, kahit kailan. Kahit pilitin mong di makasal, dapat mo pa rin gagawin iyon." Parang nahihirapan niyang ani. Tila bay may mabigat na dinadala sa kanyang puso.
"Bakit Enz? Bakit niyo ako kailangan pilitin kung hindi ko naman ito gusto? " Ni lingon niya ako, at nakita ko sa mga mata niya ang sakit at poot ng pagdalamhati.
"Kasi kahit anong gawin mo. You and that Siren will never be together Cia."
"Paaano mo-" di ko natapos ang sasabihin ko dahil may namumuong luha sa mga mata niya.
"Kasi kahit anong ginawa ko noon Cia, kahit pinilit ko. Kinuha pa rin siya ng karagatan sa akin." Pumiyok ang boses ni Enzo kasabay ng pag buhos nang malakas na ulan, nalaman kong minsan ay umibig din pala siya sa isang kagaya ni Lio.
YOU ARE READING
MYSTIQUE IN THE SIREN'S EYES
FantasyA love that is bound to end from the start, Would they risk their young hearts? Falling in love is ecstatic,but falling in love with a siren is surreal.